7/30/08

tara, mag isip tayo.



wistful thinking

at the chaos of the old cosmogonies;
nowhere to find,
holding the appurtenances of the unseen.
I'm in Hades, suddenly in perdition forthwith.
I wish I could yield one's breath.
or perhaps im just too blithe and drowned to take the count of my footing.
Shivered underneath the coat of longingness. Is this Abeyance.. I do not know.
and suddenly I remembered, the world is a playtable of the fates.
Ah, that is why.

tsk tsk.



-Sa wakas, bakas, eklas, takas, lamas, batas, chakas, karakas nagkaroon din ako ng kapiranggot na oras para maglathala sa aking abang blog-chopping board.


lolololololololololololol :D


------------o--
ito ay hango at tugon sa linya na aking nabasa sa isang blog na aking dinadalaw kada araw;

"kung isa kang sibuyas habang binabalatan, mas okey pang akoy lumuluha habang ikay pinagmamasdan, kasabay ng pagtalop at pagtanggal ng saplot ng iyong makinis na katawan"

------------o--

7/26/08

NyosBrik!

(hedlayn bukas ngayon ang sulat)

On the eve of Sibuyas' birthday, she was given the chance to have a one on one interview with one of the sought-after talkshow hosts in America.

The Ellen Degeneres show.
Live via satellite.


Ellen degeneres: Oh my, i cant believe i'm with Sibuyas (Seybooh-yeys) right now. How was the trip?

Sibuyas: Hi ellen. The trip was ok. I took the Ferrari Avanti II and as far as turboprop aircraft is concern, it brought me here in about 8 hours more so-so.

Ellen: whoa, your trip goin here was faster than the speed of light! not to mention, you came all the way from the Philippines.

Sibuyas: (Chuckles) oh Ellen, you are so funny. That was not speedy at all. If I only have a cheetah pet then I would've rode on it instead of that crappy ferrari aircraft.

Ellen: haha, i was just kiddin Seyboohyeys. anyway, another year has passed and another year was added on your summers-young escapades, do you think this is the best year for you so far?

Sibuyas: Hmm.. that's a very good question. (long pause)

Ellen: yes?

Sibuyas: yes. (all smiles)

Ellen: oh, ok.. *chuckles* that's good to hear Seyboohyeys. and since you are here I would like to hear your opinion about the republicans and democrats. I know you love politics. Will Barack Obama make it?

Sibuyas: Make what?

Ellen: oh Seyboohyeys you know what I mean.

Sibuyas: oh. Yeah. haha. yeah. well yes cmon and make it, make it. make it. (Tangenang Ellen to, nauubusan na ko ng ingles)

Ellen: alright, so that's a confirmation from you? Obama will make it big time.

Sibuyas: (Ano daw?! big time? dba tsokolate yun? tangenang yan naman o.) Yeah.

Ellen: hmm..your answer is quite vague but i'll take it as a yes. Seyboohyeys, according to sources, you have Alexithymia? how true is this?

Sibuyas: Haa?! uh, i mean huh?

Ellen: yeah, they said that you were diagnosed having an Alexithymia. Because your Amygdala, which literally means almond and is a part of your limbic system under your thalamus is damaged? and if it is damaged, then it means, you have difficulty in expressing your emotions. is that true?

Sibuyas: *dead air*

Ellen: and it is also rumored that you have hypophagia? so this means that your hypothalamus is not functioning properly too? the hypothalamus is also a part of your limbic system right? the hypothalamus controls your eating, sleeping and sexual activities.. so if this is the case, you have problems in your mounting behavior? look, if you try to put an electric stimulator on your hypothalamus, then probably there's a high chance of gaining back your damaged limbic resilience? well believe it or not Seyboohyeys, this has been tested on rats. and it was a succesful experiment.
I mean, come to think of it, the only part that has not been damaged on your limbic system is your hippocampus.
well that's obvious because as i can see, you do not have any memory problem.. like you know, you dont have amnesia or alzheimer's.

Sibuyas: uh, yes..

Ellen: and oh, im just so glad to know that your hindbrain is not affected nor damaged. because if so, oh my! your cerebellum would have been at cost too. imagine you having a propulsion or retropulsion?! jeez seyboohyeys,i might probably think you wont be able to live a normal life. and worst, you might have Ataxia or dystaxia.

Sibuyas: huwat?! huwat's that?!

Ellen: oh my god, you dont know what's retropulsion, ataxia and dystaxia? retropulsion is the tendency to step backwards if bumped from the front or upon initiating walking, usually seen in people who tend to lean backwards because of problems with balance. this is usually because of certain problems that might occur in your cerebellum. and of course cerebellum is located in your hindbrain. It controls your motor coordination. and Ataxia-
Sibuyas? Sibuyas?

i-is that blood? comin out from your nose?
(nilapitan ako at niyugyog, binigyan ako ng panyo)

oh my god, sibuyas what's happening to you?! your nose is bleeding..

Sibuyas: please... please stop..

Ellen: what do you mean stop? oh please use the hankie and wipe your nose. and so moving forward-

Sibuyas: ellen..

Ellen: yes?

Sibuyas: tantanan mo na koooooooooo!! noooooooo nooooooo

...at naramdaman kong may sumampal saken ng ubod-lakas.

Mamita: hoy bangon! ano ba yan, binabangungot ka adik ka ba iha?! o, baket dinudugo ilong mo?! may sakit ka ba?! may nde ka ba sinasabe samen? punasan mo yan.. gusto mo ba ng tubig?

Sibuyas: nde ho.. ok lang po ako.. (hinihingal parin.. nakahiga sa kama.) pinunasan ang duguang ilong..

Mamita: O,happy birthday sayo.. bumangon ka na dian at magsimba. magpasalamat ka sa Panginoon at ikaw ay buhay pa. dali na!

Sibuyas: Opo.. (langya walastik tlga maglambing tong tundra-mudra na to.)


Tangenang Ellen yan.
Pinasasakit niya ulo ko sa mismong kaarawan ko.

Hafi bertdi to myselp.
Tumanda nnmn ako.
Baket ba iseneselebreyt ang kapanganakan taon-taon?
ah alam ko ang sagot,
kasi hindi ito iseneselebreyt buwan-buwan.


hahahahahahahahahahaha tangena alam ko korni.
pagbigyan mo na ako, bertdi ko naman. ngayon lang to.

at dahil bertdi ko, ako'y magsuswimming sa weekend. o sama ka ba bawang?! yooohooo!

7/21/08

LabLayp (da vestigial edition)


There are discriminative eventualities that we cannot surmount and electrostatically get a confinement of.
Kin to that, we cannot thwart anything about such.
We cannot ark faith to suffice the occurrences which she's heaved to do.
Sometimes, you cogitate your aptness, but in reality u still feel the subdued emptiness.
Probably the goad why some sapiens tend to comprehend encumbrances in a hasty and superficial standpoint.
Probably the reason too, why I assert my being, my phantasm and actuality in a rope of network tool called the 'blogosphere'.

And right now, I'm in pure awe of sedulous pomp.
Trying to substantiate my dormant gray matter that has been deprived from it's baguette since God-knows-when.

In short, bansot, kelot, utot, eto nanaman, umaariba nanaman ang aking somatic nervous system.
Binabagyo nanaman ang aking malikot at supot na utak.
sa hindi ko malamang kadahilanan.

tsaka, pwede magtagalog na lang ako? dinudugo na ilong ko. Lintek na intro.

At speaking of intro, eto na nga rin marahil ang dahilan.
Ang rasong nagpapagulong-gulong sa aking magulong buhay..

Ang buhay-pag ibig ko ay parang Philippine Constitution.
Obsolete na. Vestige. Ancient. Thunder. Tundra-Mudra. worldwar era.
Hindi mai-revise revise.
Andameng nagtangkang baguhin at buksan pero hindi nagtagumpay.

Kelan unang binuksan at binago ang ating konstitusyon? Nung 1935 diba.
Ilang taon ka na ba?

O, kelan ang sumunod na taong binuksan, binutingting at pinakialaman
yan? 1973 diba? diba?

Kung noong panahon pa ng kopong kopong mo naranasan ang unang tilamsik ng pag-ibig at hindi na yan nasundan pa...
Patay kang betlog ka!

2008 na ngayon tama ba? o syempre, hindi naman 1973 ang huling
pangengealam sa Philippine Constitution natin. ikaw naman.
Anong akala mo sa Pelepen pipol? tamad?!
Kaw talaga, dagdagan mo naman ng labing-apat na taon.
1987.

O diba? Churvang churvah.
Huling pinakealaman, binago, niratrat ng mga allegedly "concerned"
pipol ang ating konstitusyon noong panahon pa ni Cory Aquino.

Juskoh, Anong petsa na?!

Kung ang huling paglasap mo sa tamis ng pag-ibig ay noong panahon
pa ng panunungkulan ni Cory Aquino, aba eh goodluck naman sayo.

Naipanganak na ko't lahat. Natutong Mangulangot, natutong tumae nang hindi nahuhulog ang fwet sa arinola, natutong sindihan ang kandila sa loob ng bahay ng aming kapitbahay, natutong manghuli ng gagambang-bahay at ibenta sa mga bobong kaklase sa halagang 300 pesos, natutong magsuot ng cycling shorts sa loob ng palda noong grade 4, natutong mang-uto, natutong magpauto,natutong batuhin ng eraser ang nakatalikod na bwitreng titser ko, natutong umutot ng walang tunog, natutong umutot ng walang tunog sa loob ng klasroom, natutong umutot ng walang tunog sa loob ng tahimik na klasroom habang nag-eeksam, natutong umutot ng walang tunog sa tahimik na klasroom habang nag-eeksam at nasa likod ko ang aming titser, natutong magpalusot nung pinaghinalaan ako ng aming titser na ako daw yung umutot, natutong tanggapin na mas mautak saken ang aming titser kasi napaamin niya ko, natutong kamuhian ang bwitreng titser na yun por da rest op my dying days, at natutong tanggapin na ang lahat ng bagay ay pwedeng matutunan kung pagsisikapan lamang na matutunan ito..
Lahat ng iyan ay naransan ko na pero subalit datapwat nguniiiit hindi parin nabubuksan ang konstitusyon mula noong 1987.

Oo nga naman, mahirap nang basta-basta nalang pakialaman yan ule kasi nga naman, baka gamitin lamang ng ilang bwaka ng kepyang pipol por deyr own adbanteyds ang pagrerebisa sa Pelepen Konsti.

Ang pag-ibig at Pelepen konstitusyon ay may posibilidad parin namang baguhin / baguhin lang ng konte / isaayos / isaayos ng konte.

Hindi ba?

Sa ngalan ng ating rigid Constitusyon,
gusto kong ipakilalang muli sayo si ConCon.
Constitutional Convention.
tangenang yan, pangangampanya na to! hahahahahahahahaha


At sa ngalan din ng mapusok at kasula-sulasok na pag-ibig,
gusto ko ding ipakilala sayo ang Torjak.
Putragis torjakan na to! hahahahahahahahaha


hay, wala akong maisip na pwedeng isulat. syet.

(credits to AdrianthePadawan for the image)

7/18/08

Ang Sibuyas at ang Ulong-Pambura.




Yes, it’s confirmed: The Eraserheads are reuniting after many years of being apart, not for good but only for one show slated for Aug. 30 at the CCP Open Grounds.

According to the STAR source, all the original members (photo) are performing — Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro and Raimund Marasigan.

This piece of good news should make the Eraserheads fans very happy.

Said to be the ‘greatest Pinoy band,’ the Eraserheads will sing all their hit songs, including Alapaap, Toyang and Ang Huling El Bimbo.

So much water, so to speak, has flowed under the bridge since the band broke up years ago.

Ely, who survived a heart attack two years ago, has formed two bands, Mongol (which didn’t last long) and Pupil (still playing).

‘It took one big company to bring the former band members together,’ said the source who is keeping the company’s identity ‘confidential’ for the time being.

Really now, don’t the Eraserheads fans wish that the band would stay together not just for a one-night-only concert but for good...for old time’s sake?— Ricky Lo


Hanaknampucha, dis is da most awaited, anticipated, constipated event in the history of pelepen myusek indastri.

Marame-rame narin akong nababasa tungkol nga dito sa "reunion concert" ng allegorical band na ito. and so far, mukha namang Legit ang mga chismax na ito.


bweno, na-eksayt lang akong tunay sapagkat malaki ang impluwensya nila sa aking musika noong ako'y
nagdadalangtae este nagdadalaga pa. Ang kanilang "poorman's grave" ang kauna-unahang natutunan kong gitarahin ng buo. buong buo. aysusme, my peboret eheads song op all taym.

Una kong narinig ang kanilang kantang "prutkeyk" nuong ako'y nasa.. kuwan.. oo, elementarya pa. lintek. o baket ikaw? wag mong sabihing kaleyds ka na nung sumikat ang bandang yan?! tadyakan kita ng bonggang bongga eh.

Baka nga dinadaan-daanan mo din si Ely noon sa UP eh bago sumikat ang banda nila. o kaya napapraning ka pa sa mahabang buhok ni Raimund noon.

Pero eto lang naman ang aking Rants:
(huwaaw Rants.. ingles yun ah. hahahaha natututo na ko mag ingles pakshyet ka!)
  • sa Agosto a-treinta na raw ito. Hindi kaya magback out pa tong si Ely?
  • Ayon sa mga nagkukumahog na balita, free daw ang concert na ito?! maderpakengkeps, paano ang seguridad sa naturang benyu?
  • at totoo bang ten milliones hapones byernes martes huwebes ang ibinayad per ehead-member?! mga adik shyet anlupet! (o 10mil na sa buong banda?)
  • Kung ganoon ka mahal ang bayad nila, magiging maganda kaya ang performance ng banda considering na may bad blood pa between the members?
  • Si Ely pag live, minsan maganda boses minsan hindi. Sana lang this time itodo niya.
  • kumusta naman kaya ang tensyon sa pagitan ni Ely at Raimund? at ang nakakalipad-hanging banggaan ng kanilang ego sa entablado?
  • At.. pwede bang magdala ng dslr sa mismong event?!
Tangena nakakabwiset ang eksaytment ko sa putragis na reyunyon konsert kuno ng ereyserheds na 'to. am so eksayted en ay jas kent hayd et!

And Paynali, Kahit pa kalat na ang news, marame pa ring pwedeng mangyare.


7/15/08

This picture reminds me so much of you.. Miss na kita..



Ika nga sa kanta,


When I'm feeling blue..
All I have to do, is take a look at you
Then I'm not so blue..





Hay.. Pag ako'y nalulungkot, tinitignan ko lang ang piktyur mo..
at kumpleto na ako..

O.. Maynila.

Tignan mo yung mga building o, Namimiss ko na sila.


Maynila, ang ganda ng pagkakakuha mo dito sa litratong ito.. NakakainLab ang mga building sa likod.

Haylabyu Manila!


(Shyet, Hangkorning Sibuyas, Bow)

Umpisa nanaman ng mga banaaaat!!

Hindi ko na kaya..
kailangan ko nang mag-tayp sa aking mahiwagang keyboard.

Bating bati ka na ba? Bumabati ka naman ba? (Wag kang green-minded. Batukan kita dian eh.)


Buweno dahil dian, gusto ko lamang batiin lahat ng bumati sa akin, kahit walang bumati babatiin ko pa rin yung mga hindi bumati, Maligayang Bati sa inyo!
Sa mga tamad at masipag bumati, cheneler churvah kebersachi lang. chumenglay to da hayest lebel nah! rawr. (wag kang mag-alala, Di ko din na-gets yan.)

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng aming eksamineysion week, at eto umeepal nanaman ako sa aking chopping blogboard. bekos ay kent tek et enemor! humaaaygas abelgas!

Kanina sa aming developmental biology eksam, natuwa naman ako sapagkat ang haba ng test peyper, tuwang tuwa talaga ako sa titser namin dun. Sa sobrang pagka-aliw ko sakania,gusto ko syang sabunutan. nakakatuwa talaga. Ansarap Sabunutan. Nakakatuwa talaga. Ansarap Sabunutan. Nakakatuwa talaga. Ansarap sabunutan. Nakakatuwa talaga. Nakakatuwa siya.

Sa test I: Essay type. 20 questions, 3 points each. Dapat daw hindi bababa ng 5 sentences ang sagot per kwestyon. Very inspiring ano? Nakakatuwa talaga yung titser namin sa subject na ito.

test II: Definition. 20 Biology-related words to define. Ang saya saya! Ang sarap sarap talagang kurutin sa pisngi ni ma'am. Ang sarap sarap kurutin tsaka paghahampasin ng white board. (uy biro lang. ay lab titsers. much respect to them.)

Tapos.. ayun may test III,IV,V and VI pa. kelangan mong tapusin lahat yan sa loob ng isang oras. Nakakatuwa naman. Nakakachallenge ano? Ansarap mag aral pag ganian. Yung tipong gabi-gabi kang magrereview hanggang madaling araw. Walang tulugan. tapos gabi-gabi mo ding maiisip yung titser mo habang nagriribyu ka, iniisip mo na sana wag na syang magising kinabukasan para wala ka nang eksam sakania. (uy biro lang ulit. ay lab titsers. much respect to them.)

Yung Part VI namin is Essay ulit. yehey! 3 essay question/idea. 10points each. hindi bababa sa 8 sentences ang sagot per kwestyon. Ang sakit-sakit na ng kamay ko sa kakasulat sa pesteng test peyper na yan pero keber lang. Ngiti parin. Smile. Ngiti na para kang nanalo sa Miss Yunibers, Mister Yunibers, Misis Yunibers, at kahit Mister at Misis Outside da Yunibers pa yan, smile ka pa rin. At this point, gustung-gusto ko na talagang batukan si ma'am sa sobrang pagka-aliw ko sakania..(uy biro lang ulit. ay lab titsers. much respect to them.)

At nung nag-time na, ungulan lahat ng estudyante. Eh sino ba namang autistic ang makakatapos sa eksam na yun sa ganung limitadong oras lamang. Pwedeng kaya mo, pero ako aaminin kong hindi. Natapos ko lahat subalit hindi ang test I. apat ang hindi ko nasagutan doon sa sobrang gahol ng oras. Natuwa narin ako sapagkat yung iba kong kaklase halos maawa na ako eh paano nasa test II pa lang daw sila. yung iba test III at hanggang test IV lang ang natapos.

Pinagbababatukan ko sila, eh paano inuna pa nila ang mangopya sa katabi kesa sagutan yung mga tanong na alam naman nila ang sagot. Waste of time lang yun.
Pinagsasasapak ko din yung iba eh pano mas inuna pang sagutin yung cellphone at makipagchenelyn at telebabad sa kanilang churvah. Juskoh! (teka nice idea, mag Sun narin kaya ako? Unli-call yun diba?)

Ayun, yun lang.

Pero gusto kong umiyak. hindi ko alam kung bakit. Siguro nakakaiyak din itong kwento kong 'to. medyo tragic, kasi nga marami ang hindi nakatapos sa eksam namin kanina. Trahedya talaga.

Teka, may mental disorder na yata talaga ako? Sabagay, matagal ko nang napapansin na parang meron nga. Magpatingin na kaya ako sa saykayatris?

Sa isang kundisyon.. samahan mo ako.
Sabay tayong magpatingin. :D

Titignan lang naman pala eh.
Kahit magtitigan kami nung saykayatris buong taon ok lang.


Tara.

7/10/08

Wala akong maisip na title para dito.


WALA. Walang kinalaman ang piktyur na nasa itaas dito. Gusto ko lang ilagay yan kasi
(1) Lahat tayo nakakareleyt sa inuming pambatang yan. (2)uhaw na ako sa alak. (3)makukyurius ka, aasa kang tungkol sa redhorse ang topic na ito yun pala nalinlang ka lang. (4) none op di abab

Ikaw ba'y nasa wastong gulang na?
Nagbabayad ka na ba ng iyong buwis sa pamahalaan?
kumusta naman? natutuwa ka nmn ba sa kinapupuntahan ng iyong buwis na galing sa iyong dugo't pawis?!

Buti pa sa inglatera ano? Malaki man ang ibinabawas ng gobyerno sa kanila bilang kabayaran ng kanilang buwis eh nakikita naman nila na may kinapupuntahan ito.

Wala naman, nasabi ko lang. alam mo naman, medyo epal lang ako pagdating sa pulitika. Pakialamera pa.
Natutuwa lang kasi ako sa bansang iyon, pag walang trabaho o di kaya'y pag nawalan ng trabaho ang kanilang mamamayan eh ang gobyerno pa mismo ang magbibigay ng pera sakanila para pansuporta habang sila ay naghahanap uli ng panibagong trabaho.
tapos, may Libre paaral program pa sila. Tapos, hindi pa rigid ang kanilang constitusyon, hindi tulad dito sa atin. Tapos may prinsipe pa sila na di naman kaguwapuhan pero kung purihin at kabaliwan ng mga babae eh kala mo sobrang gwapo na pwede nang ihalintulad kay Vic Sotto.
Ewan ko ba. Sino ba kasi ang nagpasimuno ng lintek na "Capitalism" na iyan? Na siya ngayong gamit natin bilang batayan para mapaunlad 'kuno' ang ating bayan.

Capitalism?! sana naging komunista na lang ang bansa natin.
Shyet, sa Kapitalismo(Laissez Faire), the rich becomes richer, and the poor becomes poorer. Alam mo naman na to diba. hindi ko na kelangan pang i-expound.(ay, expound? ano yun? kunware alam ko meaning nun)
Kelan pa uunlad ang sambayanan kung ganian?

Shyet na mapaet, antok lang marahil ito. wala pa kong pahinga. (waaaw, pahinga sa eskwela, hindi pahinga kung saan)

wala, hindi ako makapag isip ng maayos. Pagod na ang aking cerebral cortex.
ito ay matatagpuan right under(anterior) my forehead. ibig sabihin, pagod na rin ang aking baby bangs. Maderpakengbets.
Basta wag lang akong magkaroon ng Broca's Aphasia.(kunware alam ko ulit ang ibig sabihin nian)

wala naaaaaaa. Nagkasala-salabid na ang aking tots and pelengs.
Maninirahan muna ako sa loob ng box na may lamang Pizza.
Dapat pagbalik ko mapuno na ng iyong sangkatutak na putak tong aking mahiwagang blog.

Ako'y aalis muna saglit. Prelims na next week. Madugong pakikipaglaban nanaman to kay Big Ben at sa tilaok ng manok.

Kunwari daw eh super konsentreyt ako sa examination week para naman medyo matuwa ang aking magulang. (at maisipan nilang dagdagan ang aking baon. wahahaha...ubo. ubo.)


babayuuu depektib!

hanggang sa muling kuting huling supling uling aning kambing lambing daing laing saging matsing charing,
Sib
~~Mahiwagang Sibuyas

7/8/08

EPAL KUPAL PANDESAL BANAL KANAL (Last Part)



Kumusta na kaya yung estudyanteng nakipagsuntukan sa aming ser? Si Matthew.


Naalala mo pa ba siya?

Alam ko. Tinanong ko lang kung naalala mo, kasi.. wala, gusto ko lang itanong. baka kasi nalimot mo na.

At ikaw naman na pers taym mababasa 'to, malamang itatanong mo, sino naman kaya itong Matthew na tinutukoy ng epal na to.
Well, deepwell, wishing well, unwell, towel, bowel, ito ang last part sa trilogy (waaww, at talagang ginawang trilogy ang kwentong ito ) kung saan sangkot ang isang College Instructor at isang estudyanteng nagpambuno sa loob mismo ng silid aralan.

ito ang huling parte (bweno hindi ito papasang trilohiya sapagkat, ang karaniwang last part ng mga trilogy ay umiikot sa kwento na siyang pinag-ugatan ng lahat. gets? *kamot-ulo* medyo malabo ba? anak ng tokwa't kambing, panoorin mo na lang ang Lord op the Rings, The godfather, at ilan pang sikat na trilogy movies)

at sa mga naka-gets na, ok ok. mabuti.


ilalahad ko lamang dito ang pinakamainit na mga chismax este balita na nasagap ko tungkol sa gulong iyon.

Una, Nagwithdraw na po sa Unibersidad si Matthew. Opo, tama ang nabasa mo. Hindi withdraw na nag withdraw sa ATM machine malapit sa eskwelahan.

Siya po ay nagkusang bumitiw at nagpadala ng liham para sa kanyang withdrawal permit sa aming paaralan.
Mali, yung tatay pala niya ang pumunta sa paaralan para asikasuhin yun.
Kasi hindi po capable si Matthew.

Syempre, maguguluhan ka nanaman, anong "capable capable" nanaman ang pinagsasabi netong Sibuyas na to? adik ata to eh. Hindi po, hindi po ako adik.
Sobrang adik lang po.

Bweno, balik sa topic, ito pong si Matthew ay hindi dapat na inihahalo sa mga normal na people like you and like me lalung-lalo na sa antas at klase ng paaralan na dapat niyang kalugaran.


Why not poknat? why naman batman? baket armpet?!
For the very sole reason na hindi po natin siya katulad.
Siya po ay higit na espesyal kesa sa atin (patay, mukhang mali nanaman ang ginamit kong superlative) i-rephrase natin iyon.

Si Matthew po ay medyo kakaiba kesa sa normal na taong nakakasalamuha mo araw-araw.
Oo na, in short medyo may aninger-z ang batang iyon. Semi-normal. May semi-down syndrome, may semi-toyo, may semi-abnormality sa kanyang mental efficiency. Pero over-all, hindi naman siya ganun kalala. He talks to you whenever you talk to him, he answers back whenever you ask something. But he rarely mingles with other people. Probably the reason why we always question his odd behavior in our class.
Pero syempre, wala naman sa amin yun nung una, inisip na lang namin na malamang, that's his personality. baka introvert lamang ang taong iyon kaya hindi kikibo kung hindi mo pipilitin na magsalita. but, we were all wrong all the while pala.

Ang ipinagtataka ko lang, at the age of 20, apat na tertiary school na ang kanyang napasukan. (Yes, at para doon sa nagtanong sa akin sa ym noong nakaraang araw, dito ko na sasagutin ang tanong mo.. Oo, galing din siya ng UST. so malamang kilala mo nga siya.)

Sana lang maging man enough na ang tatay nitong batang to para tanggapin na niyang kailangan niyang ipatingin sa isang espesyalista ang kanyang anak.

At nga pala, Ser Hepe, mahiya naman po sana kayo sa ginawa niyo sa guro namin. Wala kayong respeto sa mga taong naglaan ng oras para mapabuti ang kalidad ng ating edukasyon dito sa Pilipinas. Tama ba namang, batuk-batukan mo ang isang sibilyan dahil lamang akala mo ay nadehado ang anak mo sakania sa isang suntukan.
Bakit hindi mo muna tanungin si Matthew kung ano talaga ang nangyari?
again,
ekskyus my french, Leche kang opisyal ka.


Akalain mo ba namang, pagkatapos nung suntukang naganap sa loob ng aming silid-aralan(EPAL KUPAL KANAL PART 2) eh pumunta syempre sa presinto sila ser, tapos itong colonel na ito, pumunta din doon, pinalabas lahat ng pulis sa presinto, buti na lang may dalawang naiwan sa loob kasama ni ser. tapos, pinagdududuro ang aming guro, our teacher was verbally abused by that colonel. pinagtatatampal sa noo, binatu-batukan at kung anu anong mura ang natanggap ng aming ser galing sa opisyal na iyon.

"para akong tuta noong mga oras na iyon. syempre wala akong magawa. I need extreme patience ng mga sandaling iyon. kailangan ko iyon para narin sa sarili kong kapakanan" ang naalala ko pang sabi ng aming guro habang inilalahad sa amin ang naganap sa loob ng presinto.


At neto lamang sabado, akalain mong nakikipag-ayos ang pamilya nitong si Matthew.
iuurong daw ang demanda kung makikipag ayos na lamang daw si ser sakanila. at si ser pa ang gusto nitong pamilyang ito na magbayad sa danyos. in short, maaayos na ang gusot na ito kapag nakipag ayos na si ser sakanila at magbayad ng lagay.
aba, masyado naman atang tinamaan ng lintek na magaling ang mag amang ito. Sila na nga ang nang agrabyado, sila pa ang dapat na bayaran.

waaaawww, walastik kornik!

At ito pa pala, muntik ko nang makalimutan, may binastos narin palang guro sa ibang pamantasan lately lamang itong Matthew na ito, ang malala pa, it was an instructress. Isang babaeng guro. The lady teacher was verbally attacked too by Matthew. Pano kapag nanakit pa itong Matthew na ito? makakapanlaban ba ang isang babae sakania? lalo na't anlaking damulag ng hinayupak.

(shyet mahaba nanaman ito, akala ko maikli lang.)

At iyon nga, Syempre hindi pumayag si ser.
Naghain ng complaint sa paaralan ang aming guro laban sa estudyanteng si Matthew. binigyan ng 48 hours ang bata para sagutin ang complaint laban sakania. pinag-eexplain siya sa harassment na inireklamo sakania ng aming guro. and that's it. from then, hindi na nga pumasok itong si Matthew. Nalaman na lang namin na nagwithdraw na siya from school.

At ito namang si ser, e-epal pa eh hahahaha. hindi na raw siya maghahain ng kaso laban sa bata. (nakakaawa nga naman sa kalagayan nung bata) pero itutuloy niya ang kaso laban sa colonel na tatay nito.

Ang tanging rason: Para hindi na ulit makapanakit at ulitin sa iba ang ginawa niya.


ito pa ang irony, Hepe ko pala ang tatay nitong si Matthew. ito ang hepe sa munisipalidad namin. leche.

Goodluck sayo hepe. Mag-usap kayo nung heneral na uncle nitong si ser.
(para namang mahilig magblog itong colonel na tinutukoi ko ano? feeling ko naman mababasa niya itong blog entry na to.)

Bweno, hanggang dito na lang.
O, kumusta yung Nyosbrik? Siguro ngayon, peboret song mo na ang umbrella ano?? ;)


Sib

~~Mahiwagang Sibuyas

7/4/08

NyosBrik!

(hedlayn bukas ngayon ang sulat)

Langya, narinig ko kanina pati 'Umbrella' may tagalog bersyon narin?!!
hahahahahaha tangena anlabo. nung una, ung 'Low' tinagalog, putek ansagwa.
Ngayon, Pati Umbrella ni Rihanna.
narinig mo na ba? o kumusta naman? nagustuhan mo ba?!
Marami kang makikita sa youtube na tagalog renditions niya pero namumukod tangi ung narinig ko sa Radyo kanina. Kaboses pa ni Rihanna. maderpakengbets.

"Di ka na mababasa ng ulan.. Di na.. Di na.. Di na.. yeah, yeah..
mababasa ng ulan.. Di na.. Di na.. Di na.. Yeah yeah..."

hahahahahahahaha! ;)

Ayun.. wala naalala ko lang.

(o teka pahabol ulat pa pala, eh yung umbrella version ng Linkin Park? narinig mo narin ba? hahahahaha! nakakapraning na ba? andami nang lintek na bersyon ang kantang yan. Mabuhay ka Rihanna!)

Nag-uulat,
Mahiwagang Sibuyas

7/1/08

EPAL KUPAL KANAL (PART 2)

Ang pangyayaring inyong mababasa ay naganap noong ika-dalawampu't anim ng hunyo, taong kasalukuyan. Sa loob ng aming Political Science Klasrum at katatapos lng ng aming kauna-unahang pagsusulit para sa asignaturang iyon.


Tama ka, ito nga iyong kwento tungkol doon sa isa naming kaklase at isa naming instraktor na nagsuntukan sa loob ng silid-aralan.


Si Matthew. ang estudyanteng sangkot sa gulong ito. TUNAY niyang pangalan at edad dalawampu.(wala akong pakialam kung may nakakakilala man sakania at nabasa itong blog entry na ito. at wala din akong pakialam kung kasuhan nila ako. Pasalamat nga siya at hindi ko isinama dito ang kanyang apelyido. ito ay para magtanda siya at wag nang pamarisan pa ng iba.)
Tapos na ang checking op peypers, at oras narin para sa mga "corrections" sa naturang pagsusulit. at kung natatandaan niyo ang unang rule ng pagsusulit na iyon- "wrong spelling, wrong". iyan ang naging

ugat ng gulong ito.


Paano ba naman, ipinipilit ni Matthew ang isang sagot nia na wrong spelling naman. Tama daw yung spelling niya.

"sorry, i cant accept that matt, you spelled it incorrectly." sabi ng aming ser.

at itong si Matthew bigla na lang nagbububulong ng, "Andaya. Andaya mo. Andaya".

tinanong ng aming guro kung bakit nia nasabe na madaya ito.

"it was just an expression. i was just joking." medyo pagalit nang sagot nung bata.

"but what makes you think na madaya ako?" ang aming ser ay ang klase ng guro na matalinong mag isip, derecho kung magpaliwanag, gusto ng intelihenteng sagot sa kanyang mga katanungan at hindi paliguy-ligoy. sa kanyang dinamikong paraan ng pagtuturo at pagsasalita, minsan aakalain mong palagi siyang galit. subalit malimit namang tumawa. magaling pang magpatawa.

"you're threatening me!" biglang sigaw nung estudyanteng si Matthew.

"threatening you?why, am i pointing a gun at you?" ramdam kong medyo na-rattle na ang aming ser nun. pero kalmado parin siya.

hanggang sa nagsagutan silang dalawa. subalit napansin naming si Matthew ang nakakarami.

Maximum Tolerance ang ginagawa ng aming ser sa sitwasyong iyon.

Ngunit sa kalagitnaan ng sagutang iyon ay bigla nalang sumigaw itong si Matthew patungkol sa aming guro ng,


"shut up!"


Nagpantig ang aking tenga sa narinig. Nilingon ko ang batang ito at hindi ko napigilang sabihin sa kanyang,
"what the hell is wrong with you?!!"

Napatingin sakin ang lahat ng aming kaklase. ay..sori naman epal lang. hindi ko napigilan ang aking sarili eh. haha

At iyon na nga.

"hindi lang ikaw ang nakalaban kong teacher. marami na akong nakalaban sa lahat ng skuls na napasukan ko." biglang sabi nitong si Matthew.

Ay Putang ina mo. unang una, proud ka pang gago ka na sabihin iyan sa mismong guro mo. at pangalawa, asar na asar ako sa mga estudyanteng walang paggalang sa mga guro. at sa mga estudyanteng walang pagpapahalaga sa mga paham. Lalo na at nasa loob ka ng paaralan kung saan ang mga guro ang awtoridad.

sabi ng aming guro, makakaalis na ang Matthew na ito kung ayaw niya sa klaseng iyon. at ang biglang sabi nnmn ni matthew,

"and because i hate strict people!"

"then you are gonna hate me for the rest of your life. because im as strict as any instructor of this institution" anang aming guro.

"Shut up!" ika muli ni Matthew

"no you shut up! first, dont use american accent whenever you speak english. why? because you look stupid everytime you do that. and not only that, you sound stupid because it does not sound american at all." Napuno narin ang aming guro.

"Fuck you!!" sagot ni Matthew.

At iyon, lumapit ang aming guro, kinuha ang ID nung estudyante. at sinabing magreport sa Student's Affair Office after the class.

pagkakuha ng aming guro ng ID ni matthew. biglang sumigaw itong gagong estudyanteng ito, sabi nia,

"ano, gusto mo suntukan na lang tayo?!"

Napatingin ang aming guro kay Matthew. Kalmado parin.

"Are you sure you want to do that?" tanong ng aming guro.

"ano suntukan na lang?!" ulit ni Matthew.

"O sige, lumapit ka. ikaw ang bahala kung iyan ang gusto mo." sabi ng aming guro.

At biglang sumugod itong si Matthew. Nagsigawan lahat ng nasa silid na iyon.

itinulak ni ser si Matthew dahil nga itong gagong estudyanteng to, eh panay ang atake kay ser. ito ang suntok ng suntok.

Pareho pa namang malaki ang katawan nung dalawa.

Suntukan. napahiga pa sila sa sahig. nagulo ang mga upuan. sigawan. tatlo lang ata ang lalake sa klaseng iyon.

Labasan at nakiusyoso lahat ng mga estudyante sa labas.

at noong inawat sila, sigaw ng sigaw si Matthew. Sabi nia,

"putang ina mo! colonel ang tatay ko! putang ina mo ipapakulong kita. physical injuries. putang ina mo!" sabay dukot sa cellphone nito at may tinawagan..

shyet, bukas na lang ule ung katuloy. antok na ko.

excuse my french pero MAS TANG INA YUNG TATAY NIYA. KUNSINTIDOR ANG COLONEL NA IYON.
NATURINGAN PA MAN DING OPISYAL NG BATAS. alam mo kung bakit? sa susunod ko na ikukuwento. antok na talaga ako.

PS:
At kinawawa nga pala si ser dun sa presinto nung araw na iyon. kawawa si ser dun sa tarantadong colonel na tatay ni Matthew. bakit? binatukan at pinagdududuro ang aming guro. at silang mag-ama pa ang may ganang kasuhan iyong guro namin. lumaban ba si ser sa suntukan? dumepensa siya oo. pero umatake? hindi.


At oo, may nakabinbin nang kaso sa gulong ito.

Nagkademandahan na ang dalawang partido.

Gagawin kaming witness, sa huwebes may pipirmahan na kaming affidavit.

Ganun ka-seryoso ang kinahantungan ng suntukang iyon.

Colonel ang nakabangga ni ser. pero heneral ang makakabangga ng colonel na iyon. eh pano, uncle pala ni ser ang heneral na may hawak ng camp aguinaldo ngayon. kilala mo kung sino siya? oo siya nga.

goodluck na lang! colonel lang siya, ang yabang ng gago. ngayon harapin niya ang mas superior sakania. Heneral.

ayy!! napapatambling tuloy ako ng bonggang bongga dito sa loob ng banyo!


Sib
~~Mahiwagang Sibuyas