1/10/09
Pseudodementia
Kung gaano ka-immune sa amphetamine ang bulwagan ng substantia nigra ko, hindi ko din tlga alam kung bakit. Wla nmn akong ADD. Shet, yun ang alam ko. Wala ako nun. Bukas makalawa, malamang baka magpacheck up ulit ako. Para masigurado ko lang. mas mabuti na ung may reseta kesa nagseself consult ako. Hahahahahahaha. Eh ganun naman ka-tamad ang aking neurotransmitters, maging ang aking receptors eh aaminin kong bobo tlga. Pero sa kabuuan, kung magtatrabaho sila ng sabay sabay eh maayos naman ang naging resulta. Hindi ba hindi? Hahahahaha hindi ba oo?
-that was what Im thinking in the past 2 minutes.
I was unconsciously/consciously tapping my fingers through the diameter rate of the keyboard.
You see, you probably wont be into the apropos envisage of everything that i wrote in this triffle blogpage.
i pity myself.
blame it on my pseudodementia.
lololol.
9/15/08
-Komersyal Brek-
Ang isang stick ng yosi ay mayroong 285g ng Vitamin A and D,
at madadagdagan pa ng 1200mg ng Calcium at 2% Flouride kung sasabayan ng matador.
Yan ang mga bagay-bagay na inililihim sa atin ng mga nutritionists.
-Bob Ong
At kapag ikaw ay naninigarilyo, mas mababa ang tsansa mong magka Parkinson's at Alzheimer's Disease.
Mas mababa rin ang posibilidad na magka breast cancer ka.
ito'y hindi kathang isip,
iniaayon ko lamang ito sa naging pag-aaral ng mga dalubhasa.
(na ewan ko ba, takot ata silang malaman natin ang mga ganitong klase ng impormasyon)
8/25/08
Hagdan Moment
(My kronikels with superman)
Tinanaw ko siya mula sa ikatlong palapag ng main building ng aming school.
He was every girls dream.
Everybody was so eager to get affection from him.
Mapabata man o kahit yung mga bruhitang umaasang may asim pa sila.
Ano bang meron sa taong ito?
Naitanong ko habang nakatanaw sa lalaking pantasya ng mga estrogen at progesterone producers.
Nakakaasar.
Tinignan kong muli siya habang naglalakad paakyat sa main building kung saan ongoing ang aming klase at ako’y nag ‘may I go out’ nang matapos ko ang nakaka-aning na quiz sa aming butihing propesor.
Na ewan ko ba, nung nagsabog ang Diyos ng katamaran eh hindi lang niya nasalo, nilamon pa niya marahil. Antamad ng propesor na iyon bwiset.
Balik tayo ke superman,
Panigurado, pag ipinamalita ko nanaman sa mga kaklase kong gurlalu at mga not so gurlalu na parating na si superman the man of all seasons and even seasonings including bagoong, eh mag uunahan ang mga lintek na magtakbuhan para lamang masilayan ito. Syempre magtitilian muna ang mga iyon.
foreplay daw muna bago ang climactic climax. Lololololololololol
I silently called him superman because- well its an acronym na nakatuwaan kong gamitin. S-sobrang U-ber P-pantasya ng E-everybody pero kung R-rumampa MAN na man ang dating. MANananggal ng men. S-U-P-E-R-MAN. Lololololololololololol.
Weird. pasensya.
Kasi nga EXIT lang.
iba ang stairs sa pag akyat, iba rin sa pagbaba. Magkabilaan iyon. Kaso ang siste, mukhang hate nitong si superman ang rules and regulations.
Yes, superman was indeed a headturner-Tina Turner. No doubt about that.
He was wearing a white fit polo shirt that has a hangten logo sa gilid. The shirt was of good fabric I thought.
It fit him well. He was not wearing any fancy jewelry or accessories for that matter. Ang tangi ko lang nakita was a watch. It was a cute watch. The kind of watch that most metrosexuals wore.
Kahit singsing sa hinliliit wala akong nakita.
He was wearing jeans too. Basta yung jeans na semi-fit. Medyo pakupas but it was still tidy to look at. Well, atleast siguro pag sakania nakasuot. Magaling magdala ang loko eh.
Yun lang. I never saw him carry a handful of things.
Ah minsan lang pala, may bag siyang dala. Na alam ko ang laman. Laptop.
But most of the time, wala siyang dala kung hindi yun nga, yung pilot at classcards.
O nagtaka ka kung anong kinalaman nung classcards?
Pareho pala tayong slow eh.
Ay, hindi ko pala nabanggit nung una ano?
Ahhhh. Sorry naman.
Naasiwa ako eh. Nagkataon pang kami lang yung andun sa hagdanan that time.
Ako pababa, siya naman eh pataas.
I smelled his perfume. Hindi nakakairita sa ilong. It was light and has a tinge of sweet smell. Was it Carolina Herrera? Am not sure.
Nang magkatapat na kami, I sensed the tension. I was kinda shaky. And at the same time so eager to look at him again.
Ano ba to?! Maderpeck.
Hindi dapat siya pamarisan kung ganoon. Dapat ireprimand ang titser na iyon.
Tangenang Superman iyon.
8/20/08
Peys wan (Phase One)
Bago ko simulan ang lahat, sinimulan ko na pala bago pa mag umpisa.
O ngayong obyus na sinimulan ko na nga, balikan natin si Ninoy. Kumusta na nga pla ang butihing asawa niyang si Cory Aquino? diba may cancer daw siya.
Wag kang mag alala, ipag pepray ober kita Ka Cory. :)
At dahil naalala ko lang bigla si Cory Aquino out op da blue, *kamot-ulo* ewan ko ba, meron kasing kulay dilaw na juice na biglang sumulpot sa harap ko.
Eh bigla din akong natawa(oi nde naman sa tinatawanan ko si Cory), naalala ko lang kasi nung siya pa ang presidente. Nabwiset siguro siya noon dun sa isang cartoonist cum journalist na nagdrowing ng article na nagtatago siya sa ilalim ng mesa noong kanyang rehime, kaya ayun sinampahan niya ng kaso ang mokong.
Pambihira, ito talagang si madame Cory, hindi na lang hinayaan yung mokong.
Kaya ayun, nagkita sila sa korte. tsk tsk, nawala tuloy ang kanyang executive power at immunity from chuvaness justice eklavu noong panahong yun. (basta, kung mahilig ka sa pulitika, alam mong ibig sabihin ng mga pinagsusulat ko dito)
At ang siste, natalo siya. Siya tuloy ang nagbayad ng danyos-perhuwisyo dun sa mokong.
Noong nagdecide siyang magsampa ng kaso. Naging ordinaryong tao na lamang siya sa harap ng batas. bongga iniiiii.
lololololololololololololololololololol.
Ayun eh, pridam op spets itech.
-o walang kwenta ung kambak spets ko.
wala akong mahagilap na pedeng sabihin eh. Puro naman kasi walang kwenta pumapasok sa kukote ko.
Kaya habang ako'y super bisi sa kakaribyu ng mga putang inang kepsing aralin na yan,
nag "all about the author" moment muna ako. tapos May I join din ako dun sa faceyourmanga.com na pinagkakaguluhan sa multiply ngayon.
lolololololololololololol
Madalaw nga uli yang blog site mo. ;)
8/4/08
hemo mode, ta-mode
A person with a purpose does things out of ordinary, above average.
Personality does not make a person extraordinary. Neither does intelligence nor education.
What makes a person extraordinary is his purpose. – The consuming desire to accomplish
something in life.
-text message
Nahihirapan akong analisahin ang mga cheneler churvah chakaness sa buhay ko sa ngayon. May mga pagkakataong kailangan mong isakripisyo ang ibang bagay upang pagbigyan ang mas kapaki-pakinabang na adhikain.
Mga bagay na mahirap isaayos pero responsibilidad mong baguhin at itodo ang general cleaning.
Kung mag-gegeneral cleaning ka naman, ano ang iyong purpose? Gawing maaliwalas ang nilinisang paligid? Matanggal ang alikabok hanggang sa dulo ng walang hanggang apat na sulok? O para lang mapagod ka at sa banding huli’y magsisi at mapagtantong hindi mo kailangan mag-general cleaning kung inaaraw araw mo lang ang paglilinis.
Parang gusto kong pagsasasabunutan ang mga gahiblang buhok na nasa loob ng ilong ko. Kung sa ganoong paraan lang maiibsan ang hapdi.. ang pait! Ang hinagpis! Ang kalungkutan! Ang paghihirap na bumabalot sa aking.. cheneler!
Feeling ko nasa gitna ako ng isang malakas na daluyong. well, feeling ko lang.lolololololololol.
Tsk, hindi ko ma-explain.
Sa ngayon, nasa Abeyance mode marahil muna ako.
Buti na lang andian ka kahit papaano, oo ikaw nga. unless may nagbabasa ding iba dian sa likod mo... wag ka nang lumingon. lilingon ka pa eh. Salamat sa iyong walang sawang pagbabasa ng samu't saring blogos ng iba't ibang pepul.
Pasensya ka na ha kung hindi ako makakadalaw-dalaw sa iyong blog sa mga susunod na araw / linggo / taon / dekada / henerasyon / churvaness chekeler. Ni hindi ko na nga rin maasikaso ang aking chopping blogboard.
Alam ko naming mamimiss mo ang nakakabwiset na comment ko sa blog mo.
Mamimiss din naman kita. Mamimiss ko ang nakakaantig puso mong post, ang nakaka-aning na kwento ng iyong buhay at ang nakaka-eksayt mong lablayp. totoo yun, streyt pram my hart. Tumitibok din ang pusod ng Sibuyas. Pusod tlga eh no?
Dito ka lang sa mundo ng blogosperyo makakakita ng mga nilalang na nilikha sa Earth o kung saan pa mang galactic chuvaness, na talagang may laman ang nervous system. Tang ina, ikaw kaya ang makipagkwentuhan sa mga hiphop boys sa kanto tungkol kay ellen degeneres at sa Philippine Consti?! baka bugbugin lang nila ako ng wala sa oras. shyet.Naniniwala ako sa bawat talatang binibitawan mo sa iyong pahina, dahil alam kong galing iyon sa kaibuturan ng iyong Endocrine at Nervous system.
Natutuwa ako kung paano mo naipadarama ang iyong katauhan sa pagsusulat.
Bihira ang may mga ganyang talento.
Kaya ipagpatuloy mo lang ang iyong nais gawin, humugot ka ng inspirasyon sa iyong kapwa, marame ang naniniwala sa iyong kakayahan. at isa na ako doon.
wala akong pake kung sabihin mo mang korni ako, dahil..
matagal na akong korni, engot. lololololololololol
tsaka,
Putang ina ang emo ko!
(hemong-hemo!)
Ngayon lang ito. Imposibleng maging emo ako por da rest op my pathetic days.
Gusto ko ding magkwento tungkol sa aking personalidad, sa aking buhay, sa aking achibments at peylyurs pero subalit datapwat nguniiiiit pag iisipan ko pa kung dapat nga ba.
Introvert ako. Sa maniwala ka’t sapilitan kitang paniniwalain.
Lolololololololololol.
Hanggang yan lang ang kaya kong sabihin sa ngayon.
Hamganameshyuuuu!
-am jas gonna pex da uhuging bolkswagen op mang itoy, my prendly neyborhood tanggero.
(in short, hahanapin ko lang ang aking selp, baka nai-shoot sa lintek na makina ng kakarag karag na bolkswagen ni mang itoy.)
Tsup tsup mwah mwahugs! Tc you! gbu!
-text message
7/30/08
tara, mag isip tayo.
wistful thinking
at the chaos of the old cosmogonies;
nowhere to find,
holding the appurtenances of the unseen.
I'm in Hades, suddenly in perdition forthwith.
I wish I could yield one's breath.
or perhaps im just too blithe and drowned to take the count of my footing.
Shivered underneath the coat of longingness. Is this Abeyance.. I do not know.
and suddenly I remembered, the world is a playtable of the fates.
Ah, that is why.
tsk tsk.
-Sa wakas, bakas, eklas, takas, lamas, batas, chakas, karakas nagkaroon din ako ng kapiranggot na oras para maglathala sa aking abang blog-chopping board.
lolololololololololololol :D
------------o--
ito ay hango at tugon sa linya na aking nabasa sa isang blog na aking dinadalaw kada araw;
"kung isa kang sibuyas habang binabalatan, mas okey pang akoy lumuluha habang ikay pinagmamasdan, kasabay ng pagtalop at pagtanggal ng saplot ng iyong makinis na katawan"
------------o--
7/26/08
NyosBrik!
On the eve of Sibuyas' birthday, she was given the chance to have a one on one interview with one of the sought-after talkshow hosts in America.
The Ellen Degeneres show.
Live via satellite.
Ellen degeneres: Oh my, i cant believe i'm with Sibuyas (Seybooh-yeys) right now. How was the trip?
Sibuyas: Hi ellen. The trip was ok. I took the Ferrari Avanti II and as far as turboprop aircraft is concern, it brought me here in about 8 hours more so-so.
Ellen: whoa, your trip goin here was faster than the speed of light! not to mention, you came all the way from the Philippines.
Sibuyas: (Chuckles) oh Ellen, you are so funny. That was not speedy at all. If I only have a cheetah pet then I would've rode on it instead of that crappy ferrari aircraft.
Ellen: haha, i was just kiddin Seyboohyeys. anyway, another year has passed and another year was added on your summers-young escapades, do you think this is the best year for you so far?
Sibuyas: Hmm.. that's a very good question. (long pause)
Ellen: yes?
Sibuyas: yes. (all smiles)
Ellen: oh, ok.. *chuckles* that's good to hear Seyboohyeys. and since you are here I would like to hear your opinion about the republicans and democrats. I know you love politics. Will Barack Obama make it?
Sibuyas: Make what?
Ellen: oh Seyboohyeys you know what I mean.
Sibuyas: oh. Yeah. haha. yeah. well yes cmon and make it, make it. make it. (Tangenang Ellen to, nauubusan na ko ng ingles)
Ellen: alright, so that's a confirmation from you? Obama will make it big time.
Sibuyas: (Ano daw?! big time? dba tsokolate yun? tangenang yan naman o.) Yeah.
Ellen: hmm..your answer is quite vague but i'll take it as a yes. Seyboohyeys, according to sources, you have Alexithymia? how true is this?
Sibuyas: Haa?! uh, i mean huh?
Ellen: yeah, they said that you were diagnosed having an Alexithymia. Because your Amygdala, which literally means almond and is a part of your limbic system under your thalamus is damaged? and if it is damaged, then it means, you have difficulty in expressing your emotions. is that true?
Sibuyas: *dead air*
Ellen: and it is also rumored that you have hypophagia? so this means that your hypothalamus is not functioning properly too? the hypothalamus is also a part of your limbic system right? the hypothalamus controls your eating, sleeping and sexual activities.. so if this is the case, you have problems in your mounting behavior? look, if you try to put an electric stimulator on your hypothalamus, then probably there's a high chance of gaining back your damaged limbic resilience? well believe it or not Seyboohyeys, this has been tested on rats. and it was a succesful experiment.
I mean, come to think of it, the only part that has not been damaged on your limbic system is your hippocampus.
well that's obvious because as i can see, you do not have any memory problem.. like you know, you dont have amnesia or alzheimer's.
Sibuyas: uh, yes..
Ellen: and oh, im just so glad to know that your hindbrain is not affected nor damaged. because if so, oh my! your cerebellum would have been at cost too. imagine you having a propulsion or retropulsion?! jeez seyboohyeys,i might probably think you wont be able to live a normal life. and worst, you might have Ataxia or dystaxia.
Sibuyas: huwat?! huwat's that?!
Ellen: oh my god, you dont know what's retropulsion, ataxia and dystaxia? retropulsion is the tendency to step backwards if bumped from the front or upon initiating walking, usually seen in people who tend to lean backwards because of problems with balance. this is usually because of certain problems that might occur in your cerebellum. and of course cerebellum is located in your hindbrain. It controls your motor coordination. and Ataxia-
Sibuyas? Sibuyas?
i-is that blood? comin out from your nose?
(nilapitan ako at niyugyog, binigyan ako ng panyo)
oh my god, sibuyas what's happening to you?! your nose is bleeding..
Sibuyas: please... please stop..
Ellen: what do you mean stop? oh please use the hankie and wipe your nose. and so moving forward-
Sibuyas: ellen..
Ellen: yes?
Sibuyas: tantanan mo na koooooooooo!! noooooooo nooooooo
...at naramdaman kong may sumampal saken ng ubod-lakas.
Mamita: hoy bangon! ano ba yan, binabangungot ka adik ka ba iha?! o, baket dinudugo ilong mo?! may sakit ka ba?! may nde ka ba sinasabe samen? punasan mo yan.. gusto mo ba ng tubig?
Sibuyas: nde ho.. ok lang po ako.. (hinihingal parin.. nakahiga sa kama.) pinunasan ang duguang ilong..
Mamita: O,happy birthday sayo.. bumangon ka na dian at magsimba. magpasalamat ka sa Panginoon at ikaw ay buhay pa. dali na!
Sibuyas: Opo.. (langya walastik tlga maglambing tong tundra-mudra na to.)
Tangenang Ellen yan.
Pinasasakit niya ulo ko sa mismong kaarawan ko.
Hafi bertdi to myselp.
Tumanda nnmn ako.
Baket ba iseneselebreyt ang kapanganakan taon-taon?
ah alam ko ang sagot,
kasi hindi ito iseneselebreyt buwan-buwan.
hahahahahahahahahahaha tangena alam ko korni.
pagbigyan mo na ako, bertdi ko naman. ngayon lang to.
at dahil bertdi ko, ako'y magsuswimming sa weekend. o sama ka ba bawang?! yooohooo!
7/21/08
LabLayp (da vestigial edition)
There are discriminative eventualities that we cannot surmount and electrostatically get a confinement of.
Kin to that, we cannot thwart anything about such.
We cannot ark faith to suffice the occurrences which she's heaved to do.
Sometimes, you cogitate your aptness, but in reality u still feel the subdued emptiness.
Probably the goad why some sapiens tend to comprehend encumbrances in a hasty and superficial standpoint.
Probably the reason too, why I assert my being, my phantasm and actuality in a rope of network tool called the 'blogosphere'.
And right now, I'm in pure awe of sedulous pomp.
Trying to substantiate my dormant gray matter that has been deprived from it's baguette since God-knows-when.
In short, bansot, kelot, utot, eto nanaman, umaariba nanaman ang aking somatic nervous system.
Binabagyo nanaman ang aking malikot at supot na utak.
sa hindi ko malamang kadahilanan.
tsaka, pwede magtagalog na lang ako? dinudugo na ilong ko. Lintek na intro.
At speaking of intro, eto na nga rin marahil ang dahilan.
Ang rasong nagpapagulong-gulong sa aking magulong buhay..
Ang buhay-pag ibig ko ay parang Philippine Constitution.
Obsolete na. Vestige. Ancient. Thunder. Tundra-Mudra. worldwar era.
Hindi mai-revise revise.
Andameng nagtangkang baguhin at buksan pero hindi nagtagumpay.
Kelan unang binuksan at binago ang ating konstitusyon? Nung 1935 diba.
Ilang taon ka na ba?
O, kelan ang sumunod na taong binuksan, binutingting at pinakialaman
yan? 1973 diba? diba?
Kung noong panahon pa ng kopong kopong mo naranasan ang unang tilamsik ng pag-ibig at hindi na yan nasundan pa...
Patay kang betlog ka!
2008 na ngayon tama ba? o syempre, hindi naman 1973 ang huling
pangengealam sa Philippine Constitution natin. ikaw naman.
Anong akala mo sa Pelepen pipol? tamad?!
Kaw talaga, dagdagan mo naman ng labing-apat na taon.
1987.
O diba? Churvang churvah.
Huling pinakealaman, binago, niratrat ng mga allegedly "concerned"
pipol ang ating konstitusyon noong panahon pa ni Cory Aquino.
Juskoh, Anong petsa na?!
Kung ang huling paglasap mo sa tamis ng pag-ibig ay noong panahon
pa ng panunungkulan ni Cory Aquino, aba eh goodluck naman sayo.
Naipanganak na ko't lahat. Natutong Mangulangot, natutong tumae nang hindi nahuhulog ang fwet sa arinola, natutong sindihan ang kandila sa loob ng bahay ng aming kapitbahay, natutong manghuli ng gagambang-bahay at ibenta sa mga bobong kaklase sa halagang 300 pesos, natutong magsuot ng cycling shorts sa loob ng palda noong grade 4, natutong mang-uto, natutong magpauto,natutong batuhin ng eraser ang nakatalikod na bwitreng titser ko, natutong umutot ng walang tunog, natutong umutot ng walang tunog sa loob ng klasroom, natutong umutot ng walang tunog sa loob ng tahimik na klasroom habang nag-eeksam, natutong umutot ng walang tunog sa tahimik na klasroom habang nag-eeksam at nasa likod ko ang aming titser, natutong magpalusot nung pinaghinalaan ako ng aming titser na ako daw yung umutot, natutong tanggapin na mas mautak saken ang aming titser kasi napaamin niya ko, natutong kamuhian ang bwitreng titser na yun por da rest op my dying days, at natutong tanggapin na ang lahat ng bagay ay pwedeng matutunan kung pagsisikapan lamang na matutunan ito..
Lahat ng iyan ay naransan ko na pero subalit datapwat nguniiiit hindi parin nabubuksan ang konstitusyon mula noong 1987.
Oo nga naman, mahirap nang basta-basta nalang pakialaman yan ule kasi nga naman, baka gamitin lamang ng ilang bwaka ng kepyang pipol por deyr own adbanteyds ang pagrerebisa sa Pelepen Konsti.
Ang pag-ibig at Pelepen konstitusyon ay may posibilidad parin namang baguhin / baguhin lang ng konte / isaayos / isaayos ng konte.
Hindi ba?
Sa ngalan ng ating rigid Constitusyon,
gusto kong ipakilalang muli sayo si ConCon.
Constitutional Convention.
tangenang yan, pangangampanya na to! hahahahahahahahaha
At sa ngalan din ng mapusok at kasula-sulasok na pag-ibig,
gusto ko ding ipakilala sayo ang Torjak.
Putragis torjakan na to! hahahahahahahahaha
7/18/08
Ang Sibuyas at ang Ulong-Pambura.
According to the STAR source, all the original members (photo) are performing — Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro and Raimund Marasigan.
This piece of good news should make the Eraserheads fans very happy.
Said to be the ‘greatest Pinoy band,’ the Eraserheads will sing all their hit songs, including Alapaap, Toyang and Ang Huling El Bimbo.
So much water, so to speak, has flowed under the bridge since the band broke up years ago.
Ely, who survived a heart attack two years ago, has formed two bands, Mongol (which didn’t last long) and Pupil (still playing).
‘It took one big company to bring the former band members together,’ said the source who is keeping the company’s identity ‘confidential’ for the time being.
Hanaknampucha, dis is da most awaited, anticipated, constipated event in the history of pelepen myusek indastri.
Marame-rame narin akong nababasa tungkol nga dito sa "reunion concert" ng allegorical band na ito. and so far, mukha namang Legit ang mga chismax na ito.
bweno, na-eksayt lang akong tunay sapagkat malaki ang impluwensya nila sa aking musika noong ako'y nagdadalangtae este nagdadalaga pa. Ang kanilang "poorman's grave" ang kauna-unahang natutunan kong gitarahin ng buo. buong buo. aysusme, my peboret eheads song op all taym.
Una kong narinig ang kanilang kantang "prutkeyk" nuong ako'y nasa.. kuwan.. oo, elementarya pa. lintek. o baket ikaw? wag mong sabihing kaleyds ka na nung sumikat ang bandang yan?! tadyakan kita ng bonggang bongga eh.
Baka nga dinadaan-daanan mo din si Ely noon sa UP eh bago sumikat ang banda nila. o kaya napapraning ka pa sa mahabang buhok ni Raimund noon.
Pero eto lang naman ang aking Rants:
(huwaaw Rants.. ingles yun ah. hahahaha natututo na ko mag ingles pakshyet ka!)
- sa Agosto a-treinta na raw ito. Hindi kaya magback out pa tong si Ely?
- Ayon sa mga nagkukumahog na balita, free daw ang concert na ito?! maderpakengkeps, paano ang seguridad sa naturang benyu?
- at totoo bang ten milliones hapones byernes martes huwebes ang ibinayad per ehead-member?! mga adik shyet anlupet! (o 10mil na sa buong banda?)
- Kung ganoon ka mahal ang bayad nila, magiging maganda kaya ang performance ng banda considering na may bad blood pa between the members?
- Si Ely pag live, minsan maganda boses minsan hindi. Sana lang this time itodo niya.
- kumusta naman kaya ang tensyon sa pagitan ni Ely at Raimund? at ang nakakalipad-hanging banggaan ng kanilang ego sa entablado?
- At.. pwede bang magdala ng dslr sa mismong event?!
7/15/08
This picture reminds me so much of you.. Miss na kita..
Ika nga sa kanta,
All I have to do, is take a look at you
Then I'm not so blue..
at kumpleto na ako..
O.. Maynila.
Tignan mo yung mga building o, Namimiss ko na sila.
Maynila, ang ganda ng pagkakakuha mo dito sa litratong ito.. NakakainLab ang mga building sa likod.
Haylabyu Manila!
(Shyet, Hangkorning Sibuyas, Bow)
Umpisa nanaman ng mga banaaaat!!
kailangan ko nang mag-tayp sa aking mahiwagang keyboard.
Bating bati ka na ba? Bumabati ka naman ba? (Wag kang green-minded. Batukan kita dian eh.)
Buweno dahil dian, gusto ko lamang batiin lahat ng bumati sa akin, kahit walang bumati babatiin ko pa rin yung mga hindi bumati, Maligayang Bati sa inyo!
Sa mga tamad at masipag bumati, cheneler churvah kebersachi lang. chumenglay to da hayest lebel nah! rawr. (wag kang mag-alala, Di ko din na-gets yan.)
Nasa kalagitnaan pa lang ako ng aming eksamineysion week, at eto umeepal nanaman ako sa aking chopping blogboard. bekos ay kent tek et enemor! humaaaygas abelgas!
Kanina sa aming developmental biology eksam, natuwa naman ako sapagkat ang haba ng test peyper, tuwang tuwa talaga ako sa titser namin dun. Sa sobrang pagka-aliw ko sakania,gusto ko syang sabunutan. nakakatuwa talaga. Ansarap Sabunutan. Nakakatuwa talaga. Ansarap Sabunutan. Nakakatuwa talaga. Ansarap sabunutan. Nakakatuwa talaga. Nakakatuwa siya.
Sa test I: Essay type. 20 questions, 3 points each. Dapat daw hindi bababa ng 5 sentences ang sagot per kwestyon. Very inspiring ano? Nakakatuwa talaga yung titser namin sa subject na ito.
test II: Definition. 20 Biology-related words to define. Ang saya saya! Ang sarap sarap talagang kurutin sa pisngi ni ma'am. Ang sarap sarap kurutin tsaka paghahampasin ng white board. (uy biro lang. ay lab titsers. much respect to them.)
Tapos.. ayun may test III,IV,V and VI pa. kelangan mong tapusin lahat yan sa loob ng isang oras. Nakakatuwa naman. Nakakachallenge ano? Ansarap mag aral pag ganian. Yung tipong gabi-gabi kang magrereview hanggang madaling araw. Walang tulugan. tapos gabi-gabi mo ding maiisip yung titser mo habang nagriribyu ka, iniisip mo na sana wag na syang magising kinabukasan para wala ka nang eksam sakania. (uy biro lang ulit. ay lab titsers. much respect to them.)
Yung Part VI namin is Essay ulit. yehey! 3 essay question/idea. 10points each. hindi bababa sa 8 sentences ang sagot per kwestyon. Ang sakit-sakit na ng kamay ko sa kakasulat sa pesteng test peyper na yan pero keber lang. Ngiti parin. Smile. Ngiti na para kang nanalo sa Miss Yunibers, Mister Yunibers, Misis Yunibers, at kahit Mister at Misis Outside da Yunibers pa yan, smile ka pa rin. At this point, gustung-gusto ko na talagang batukan si ma'am sa sobrang pagka-aliw ko sakania..(uy biro lang ulit. ay lab titsers. much respect to them.)
At nung nag-time na, ungulan lahat ng estudyante. Eh sino ba namang autistic ang makakatapos sa eksam na yun sa ganung limitadong oras lamang. Pwedeng kaya mo, pero ako aaminin kong hindi. Natapos ko lahat subalit hindi ang test I. apat ang hindi ko nasagutan doon sa sobrang gahol ng oras. Natuwa narin ako sapagkat yung iba kong kaklase halos maawa na ako eh paano nasa test II pa lang daw sila. yung iba test III at hanggang test IV lang ang natapos.
Pinagbababatukan ko sila, eh paano inuna pa nila ang mangopya sa katabi kesa sagutan yung mga tanong na alam naman nila ang sagot. Waste of time lang yun.
Pinagsasasapak ko din yung iba eh pano mas inuna pang sagutin yung cellphone at makipagchenelyn at telebabad sa kanilang churvah. Juskoh! (teka nice idea, mag Sun narin kaya ako? Unli-call yun diba?)
Ayun, yun lang.
Pero gusto kong umiyak. hindi ko alam kung bakit. Siguro nakakaiyak din itong kwento kong 'to. medyo tragic, kasi nga marami ang hindi nakatapos sa eksam namin kanina. Trahedya talaga.
Teka, may mental disorder na yata talaga ako? Sabagay, matagal ko nang napapansin na parang meron nga. Magpatingin na kaya ako sa saykayatris?
Sa isang kundisyon.. samahan mo ako.
Sabay tayong magpatingin. :D
Titignan lang naman pala eh.
Kahit magtitigan kami nung saykayatris buong taon ok lang.
Tara.
7/10/08
Wala akong maisip na title para dito.
WALA. Walang kinalaman ang piktyur na nasa itaas dito. Gusto ko lang ilagay yan kasi
(1) Lahat tayo nakakareleyt sa inuming pambatang yan. (2)uhaw na ako sa alak. (3)makukyurius ka, aasa kang tungkol sa redhorse ang topic na ito yun pala nalinlang ka lang. (4) none op di abab
Ikaw ba'y nasa wastong gulang na?
Nagbabayad ka na ba ng iyong buwis sa pamahalaan?
kumusta naman? natutuwa ka nmn ba sa kinapupuntahan ng iyong buwis na galing sa iyong dugo't pawis?!
Buti pa sa inglatera ano? Malaki man ang ibinabawas ng gobyerno sa kanila bilang kabayaran ng kanilang buwis eh nakikita naman nila na may kinapupuntahan ito.
Wala naman, nasabi ko lang. alam mo naman, medyo epal lang ako pagdating sa pulitika. Pakialamera pa.
Natutuwa lang kasi ako sa bansang iyon, pag walang trabaho o di kaya'y pag nawalan ng trabaho ang kanilang mamamayan eh ang gobyerno pa mismo ang magbibigay ng pera sakanila para pansuporta habang sila ay naghahanap uli ng panibagong trabaho.
tapos, may Libre paaral program pa sila. Tapos, hindi pa rigid ang kanilang constitusyon, hindi tulad dito sa atin. Tapos may prinsipe pa sila na di naman kaguwapuhan pero kung purihin at kabaliwan ng mga babae eh kala mo sobrang gwapo na pwede nang ihalintulad kay Vic Sotto.
Ewan ko ba. Sino ba kasi ang nagpasimuno ng lintek na "Capitalism" na iyan? Na siya ngayong gamit natin bilang batayan para mapaunlad 'kuno' ang ating bayan.
Capitalism?! sana naging komunista na lang ang bansa natin.
Shyet, sa Kapitalismo(Laissez Faire), the rich becomes richer, and the poor becomes poorer. Alam mo naman na to diba. hindi ko na kelangan pang i-expound.(ay, expound? ano yun? kunware alam ko meaning nun)
Kelan pa uunlad ang sambayanan kung ganian?
Shyet na mapaet, antok lang marahil ito. wala pa kong pahinga. (waaaw, pahinga sa eskwela, hindi pahinga kung saan)
wala, hindi ako makapag isip ng maayos. Pagod na ang aking cerebral cortex.
ito ay matatagpuan right under(anterior) my forehead. ibig sabihin, pagod na rin ang aking baby bangs. Maderpakengbets.
Basta wag lang akong magkaroon ng Broca's Aphasia.(kunware alam ko ulit ang ibig sabihin nian)
wala naaaaaaa. Nagkasala-salabid na ang aking tots and pelengs.
Maninirahan muna ako sa loob ng box na may lamang Pizza.
Dapat pagbalik ko mapuno na ng iyong sangkatutak na putak tong aking mahiwagang blog.
Ako'y aalis muna saglit. Prelims na next week. Madugong pakikipaglaban nanaman to kay Big Ben at sa tilaok ng manok.
Kunwari daw eh super konsentreyt ako sa examination week para naman medyo matuwa ang aking magulang. (at maisipan nilang dagdagan ang aking baon. wahahaha...ubo. ubo.)
babayuuu depektib!
hanggang sa muling kuting huling supling uling aning kambing lambing daing laing saging matsing charing,
Sib
~~Mahiwagang Sibuyas