6/24/08
ANG breyses AT PULITIKA SA LOOB NG BAHAY
Etong si konyong Sibuyas gustong magpakabit ng braces.. at kinukulit nia ang kanyang tatay para i-finance ang pagpapabakal sa kanyang mga ngipin.
Konyo: Dad, sige na please? i wanna make pakabit braces to my teeth. look o? they're not like so aligned na talaga. Dad for the sake of Niccolo Machiavelli,who happens to be the father of "modern politics". maawa ka to me, i wanna have braces.
Tatay: At ano namang kinalaman ng modernong Pulitika sa pagpapakabit mo ng briseys? At sino si Nikolo?
Konyo: Omigod Dad! its not briseys.. it's braces! buh-rey-ses. Jeez dad, you're like so panget mag-english. and regarding Niccolo, well Dad right now he's my crush. eeeeee kilig!
Tatay: Ano kamo? kras mo? sabi mo pader op mudern puleteks? eh di malamang patay na yan o uugod-ugod na? bat naman sa patay ka pa nagka-kras anak?
Konyo: Dad, first of all- its not kras! eeeeee! you're so asar talaga Dad. it's crush. and, hindi puleteks. puh-leeez! its po-li-tics. you're so eww Dad.
Tatay: Magkano ba yang briseys na yan anak?
Konyo: Dad, super affordable cya. kayang kaya ng budget mo. it's around 30k. o diba? so sulit!
Tatay: Ano kamo?!! Treinta mil? At saang lupalop naman tayo ng bansa kukuha ng ganoon kalaking halaga? Anak, matuto ka namang alamin ang mga prioridad mo sa buhay. ang nanay mo nasa Canada, nagpapakahirap magtrabaho para sa inyong mgkakapatid. Wag kung anu-ano ang naiisip mong gawin. briseys, briseys. May alambre dun sa likod-bahay,sa sampayan. Yun na lang ang ikabit mo dian sa ngipin mo anak kung talagang gusto mo ng briseys.
Konyo: Alambre?! You are so like kidding me Dad!! You are so nagbibiro! eto lng hinihingi ko, u cant pagbigyan me pa! (teary-eyed) I,ve been a good child all these years dad.. why can't you make palagay braces to my teeth? im so like hurt!
Tatay: Good child? eh nung isang araw lang nangupit ka daw ng 500 sa pwesto sabi ng ate mo? saan mo ginamit ung limandaan? para kang yung mga Pulitiko sa atin. wala nang ginawa kundi mangupit sa kaban ng bayan-
Konyo:(omigod! here he goes again!) Dad, nde naman ako sa kaban ng bayan nangungupit!! duh?
Tatay: yun na nga anak, Oo may pera tayo pero alamin mo naman kung saan mo maaaring gamitin at palaguin ang perang hawak mo. Tignan mo si Gloria, Nagpalagay ng Macapagal avenue noon, magkano ang nagastos doon?
Konyo: Dad, its none of our business-
Tatay: kumukuha ka ng kursong Political Science pero sinasabi mong wala tayong pakialam dun? at kelan pa tayo dapat na hindi makialam? Anak wag pairalin ang Apathy.
Konyo: wow dad, you know apathy pala ha? you're so so smart talaga!
Tatay: Anak, isang bilyon ang nagastos sa isang kilometrong abenyu na yun. isang kilometro lang ang haba nun pero isang bilyon ang nagastos ng gobyerno para doon. hindi lang milyon-milyon anak.. bilyones ito.
Konyo: so that makes roughly around 200,000php per square foot?? omigod, that is so like nakakaloka. they're so like magastos. my goshee.
Tatay: Napaka-kurakot.
Konyo: Dad ha, you're so radical. harhar!
Tatay: o tapos yung computerized voting machine na ipinagmamalaki nila Benjamin Abalos? asan na ngayon? Nung botohan, eksayted pa naman ako kasi de-kompyuter na ang pag-bo-bowt, pagdating ko sa eskwelahan, bolpen na wala nang halos ink at papel parin ang ginamit ko.
Konyo: Eww dad, that's so mean.
Tatay: Anak 250 billion pesos ang ginastos para sa mga computer votingmachines na iyon. at we are not talking about handreds op millions here anak, we are talking about bilyons.
Konyo: Wow, si dad inglisero narin o..
Tatay: OO anak, medyo nahawa na ako sayo. Pero anak, alam mo ba kung nasan na ngayon ung kompyuter machines na mga iyon? andun nasa bodega, nakatambak lang. paano eh, depektib daw.
Konyo: Lahat un defective?! cant believe that.
Tatay: Aba, ewan ko sakanila anak. Asan na ang pinagkagastusan nila ng 250 billion pesos para doon?? nasan na? wala diba? Ang sa akin lng naman eh, magkaroon ka ng aweyrnes sa nasa paligid mo.
Konyo: Dadskie, dont worry na ok? we have internet access, i'll check on those na lang. so regarding the braces-
Tatay: Anak, isa pa yang internet-iternet na yan. kaya lng kme nagpakabit ng nanay mo ng internet dito sa bahay sapagkat alam naming malaki ang maitutulong sa inyong pag aaral. kamukha nung proyekto ni Gloria na Broadband ba yun? yung broadband for all city halls and municipalities.. Mas maganda daw na lahat ng city halls ay magkaroon ng internet akses upang mas mapadali ang trabaho. pero asan nnmn yun ngayon?
Konyo: Dad, you're like so humihirit pa eh! but yeah, i've heard of that before. kaso that's so long time ago na ata eh?
Tatay: anak, nakabinbin na lang iyon ngayon. at 260billion pesos nanaman ang nagastos para doon.
Konyo: jeez dad! kung sana ipinakain na lang sa mahihirap. aanhin ba nila ang broadband connection kung wala naman nang makain ang sambayanan?
Tatay: Yun ang punto ko anak. maraming mas mahahalagang bagay ang dapat pagtuunan ng pansin.. wag laging isipin ang pansariling kapakanan. ilan lang yan sa mga napansin kong walang kinapuntahang pondo ng gobyerno para sana sa ating mga Pilipino..
Konyo: Dad, you wanna run for the next election?!
Tatay: eh kung batukan kaya kita dian?
Konyo: just kiddin dad. so, bottomline ng lahat ng dinakdak nio ngayon is-
si pgma ang pinakakurakot na naging presidente sa kasaysayan ng bansa?? is that what you're trying to imply?
Tatay: Wateber anak. Wateber.
(sa mga aalma.. kay konyong tatay kayo magpaliwanag! wag ako ang awayin nio.)
[At.. ginawa kong conversational itong post kong to. kasi.. wala lang.] Natuwa ako kay Konyong Tatay eh. haha ;)
PS: kathang isip lamang si konyong anak at konyong tatay. subalit ang kanilang nais iparating ay pawang mga katotohanan. hahaha.
Sib
~~Makabayang Sibuyas
Labels:
corruption,
governance,
konyo,
kurakot,
pgma,
politics,
tatay,
teen
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
lam mo sapul ka. ang galing galing mo. gusto ko na talga umapir sayo! hihih :>
@tentay: apir apir apir!*
mas magaling ang gobyerno naten. tgnan mo nga't lusot lahaaaat ang mga katarantaduhang(pls ekskyus my french) pinaggagagawa nila sa bayan.
haaaaapir!!* :D
ang galing ni konyo at ni tatay. hahahahha. nanosebleed ako wala tuloy ako pang apir pampunas ng blood. haha
@tentay: hahahahaha panalo tlga mga banat mo. apir!*
haha..
natawa ako dun ah?..
magaling,magaling,magaling..
nailabas mo ang iyong opinyon sa nakakatuwang paraan.
Politics is dirty and boring but if concerns are presented like this, kul! ^^;
San ka nagaaral Sib?
@enday: salamat enday. ;)
sana nga mabasa ni Gloria to. hahahahahahaha syet.
juklang. juklang.
@elliot: salamat po. ;)
kung ang gobyerno ba naman natin ay kasing kul ng maxx candy, aba eh araw araw kong pupurihin si Gloria. minu-minuto pa, till da day i die!
musta n mareng sibuyas.... adik n adik ang dating ni konyong tatay ah... lolz.... tagal ko la updates dito.. musta n?
@rej: padrinong rej!! ok naman ganito pa din. honga namiss naman kita. musta ba ang duty naten? mukhang toxic na toxic ah. haha, oo adik yang si konyong tatay. hahaha apir!*
Post a Comment