6/24/08

TABI-TABI PO..

Naaasar ako.
O malamang, alam mo ang balita sa paglubog ng MV Princess of the Stars. Di ba?
Ang pagpayag nila na sumuong ito sa kabila ng kaalamang signal #1 sa rutang tatahakin nila.
Bweno lusot dian ang Admiral ng Philippine Coast Guard sapagkat maaari pang maglayag ang mga barko under Philippine territory sa public storm signal #3 na hindi gagaan sa bigat na 2,000 tons. At ang MV Princess of the stars ay may bigat na 23,000 tons. samakatuwid, hindi ito sakop ng nasabing regulasyon.

Ngayon naman itong si Pgma, nagtatatalak kay vice-admiral Tamayo. Sumisigaw habang kausap sa telepono ang bise-admiral ng coastguard. Bakit daw pinayagang tumuloy ang barko? eh may warning na pala.. na kesyo bat daw ganoon.. ganyan.. ganito..

in short, sinabon to the max si Tamayo sa harap ng media.

diosmio, lagi na lang ganyan. magsusungit at maninita kapag nagkaroon ng aberya. ipinapakita sa madla na talagang apektado siya.
Kung talagang apektado siya, eh bat tumuloy parin sa siya sa Amerika? Bitbit ang mahigit 55 na kongresista, 4 na senador.
Makikipagpulong daw kay Bush. Waaaww, feeling sikat parin ang dalawang to. magsasama ule. sabi nga sa kanta.. "reunited..and it feels so good.." ay, reunion ito?!

bakit kelangan pang magdala ng higit sa 60-katao si Pgma sa Amerika?! pwede namang 6 lang sila? at karamihan pa sa mga dinala ay manunuod daw ng laban ni Paquiao doon. susme.
sampung araw doon ang pangulo. ang mga kasama niya, tutuloy sa isang five-star hotel. all expense-paid trip. Magkano ang gastos kada-tao?!

Syempre, courtesy of the kaban ng bayan. yehey! mabuhay ka! mabuhay ang mga tax payers. Sagot mo ang byahe nilang iyon. yipeee!

At may nagsabi saken lagpas 150 daw ang kumuha ng U.S. visa for this trip. o, sino nanaman yang +150 na yan?! mga kamag-anakan ng mga imbitado sa lintek na byaheng yan?

napaka-swerte.

Sa mga pamilya at biktima ng MV Princess of the Stars. Lubos ang aking kalungkutan sa naganap. Nasa inyo ang aming simpatya. Ayun, iniwan kayo ng magaling niyong pangulo sa gitna ng krisis at pagdadalamhating ito.

Pasalamatan natin siya. Goodluck narin sa laban ni Pacquiao. Sana mag enjoy sila.

Pasintabi nalang. :D



Sib
~~Skeptikal na Sibuyas
(more tirada on "ANG breyses AT PULITIKA SA LOOB NG BAHAY")

sorry naman, kaasar kasi ang gobyerno kung minsan eh.

22 comments:

Anonymous said...

hnd ko lam na ganyan pla ginagawa ni aroyo. i'll visit this blog very often. i'll check on ur updates. parang mdyo radical ka ata? sa UP ka ba?hehe

simple ng mga banat pero may laman.

Anonymous said...

Dapat kanselado ang byaheng amerika kaya lang sayang ang booking ng mga langyang politico. Ang swerte talaga nating mga Pinoy.

Mahiwagang Sibuyas said...

@anonymous: nde ibig sabihin na kung nag-aral ka sa UP eh radikal ka na at nde din ibig sabihin na kung radikal ka eh nag aral ka sa UP. ;)

salamat sa pagkomento. sa susunod magpakilala ka ha? ahehe. apir!*

Mahiwagang Sibuyas said...

@nnd: sinabe mo pa. answerte talaga nating mga pinoy! amfefe.

The Dork One said...

so sad naman to hear this....

T_T

Mahiwagang Sibuyas said...

@leviuqse: yup..
so sad and so agitating.

Mahiwagang Sibuyas said...
This comment has been removed by the author.
ALiNe said...

Sulpicio dapat isara na yan, ilang beses na lumulubog ang barko nila.
Yung recent 700 and namatay, kawawa naman yung pamilya nila, lalo pa kung sila yung 'bread winner'. Anlakas siguro nyan sa gobyero natin...Tsktsk!

TENTAY™ said...

Ayoko na magbayad ng tax. jan lang pala napupunta ang lahat. boycot!! hmp!!

makiki-apir din ako sayo. hehehe. =)

TENTAY™ said...

Sib, lahat ata ng post mo nacommentan ko sa sobrang tuwa ko sayo. hahaha! Apir ulit 1 milyon times. lalagay ko link mo sa blog ko. ex linx? kng ok lang sayo. anyway lalagay kita talga. apir!!! :>

Mahiwagang Sibuyas said...

@aline: “Don’t the owners of Sulpicio Lines have enough conscience to just closing down instead of risking hundreds of lives once more,” sabi ni Lingayen Archbishop Oscar Cruz.


-sunugin kaya naten ang lahat ng barko ng sulpicio at nang di na sila mkpag operate?! (o,biro lang. kung may mangyareng masama sa sulpicio lines, di ako may kagagawan nun!)

tama ka, ipasara na. pang-apat nang trahedya ito sa history ng sulpicio lines. tsk tsk.

Mahiwagang Sibuyas said...

@tentay: panalo ka rin! ahehe apir apir to da hayest lebel!*

oo ba,add din kita. salamat sayo. ;)


haylabyu na. haha apir!* :D

ALiNe said...

Natawa ako sa disclaimer mo..hahha!

old ka silyas said...

kul ka lang...kul ka lang

.::. Vanny .:. said...

perstaym ko d2.

anong meron sa sibuyas? ^_^

TENTAY™ said...

Sib salamat!! Apir apir! haylabyu din!! :>

Mahiwagang Sibuyas said...

@aline: Ako din, parang natuwa sa disclaimer ko haha. :D

salamat. apir apir! ;)

Mahiwagang Sibuyas said...

@ ka silyas: ok.. ok.. sige.. sige.. kool lng ako.. kool lang ako.. hinga lang ng malalim.. haha ;) apir!*

Mahiwagang Sibuyas said...

@vanny: waaaww perstaym mo dito? halika at nang may waaaarm welcome ka mula saken ^_^

apir apir!* ;)

Anonymous said...

Shit! Yun lang!

Anonymous said...

Oo nga! Hindi naman lahat ng taga-Peyups ay radikal.

Mahiwagang Sibuyas said...

@anino: o, san ka napa-'shit' padrino?? sa byahe ba nila o sa pagkapanalo ni pacquiao?? :D

Apir!

Yep, UP naming mahal. mabuhay ang mga skolar ng bayan!