Ang pangyayaring inyong mababasa ay naganap noong ika-dalawampu't anim ng hunyo, taong kasalukuyan. Sa loob ng aming Political Science Klasrum at katatapos lng ng aming kauna-unahang pagsusulit para sa asignaturang iyon.
Tama ka, ito nga iyong kwento tungkol doon sa isa naming kaklase at isa naming instraktor na nagsuntukan sa loob ng silid-aralan.
Si Matthew. ang estudyanteng sangkot sa gulong ito. TUNAY niyang pangalan at edad dalawampu.(wala akong pakialam kung may nakakakilala man sakania at nabasa itong blog entry na ito. at wala din akong pakialam kung kasuhan nila ako. Pasalamat nga siya at hindi ko isinama dito ang kanyang apelyido. ito ay para magtanda siya at wag nang pamarisan pa ng iba.)
Tapos na ang checking op peypers, at oras narin para sa mga "corrections" sa naturang pagsusulit. at kung natatandaan niyo ang unang rule ng pagsusulit na iyon- "wrong spelling, wrong". iyan ang naging
ugat ng gulong ito.
Paano ba naman, ipinipilit ni Matthew ang isang sagot nia na wrong spelling naman. Tama daw yung spelling niya.
"sorry, i cant accept that matt, you spelled it incorrectly." sabi ng aming ser.
at itong si Matthew bigla na lang nagbububulong ng, "Andaya. Andaya mo. Andaya".
tinanong ng aming guro kung bakit nia nasabe na madaya ito.
"it was just an expression. i was just joking." medyo pagalit nang sagot nung bata.
"but what makes you think na madaya ako?" ang aming ser ay ang klase ng guro na matalinong mag isip, derecho kung magpaliwanag, gusto ng intelihenteng sagot sa kanyang mga katanungan at hindi paliguy-ligoy. sa kanyang dinamikong paraan ng pagtuturo at pagsasalita, minsan aakalain mong palagi siyang galit. subalit malimit namang tumawa. magaling pang magpatawa.
"you're threatening me!" biglang sigaw nung estudyanteng si Matthew.
"threatening you?why, am i pointing a gun at you?" ramdam kong medyo na-rattle na ang aming ser nun. pero kalmado parin siya.
hanggang sa nagsagutan silang dalawa. subalit napansin naming si Matthew ang nakakarami.
Maximum Tolerance ang ginagawa ng aming ser sa sitwasyong iyon.
Ngunit sa kalagitnaan ng sagutang iyon ay bigla nalang sumigaw itong si Matthew patungkol sa aming guro ng,
"shut up!"
Nagpantig ang aking tenga sa narinig. Nilingon ko ang batang ito at hindi ko napigilang sabihin sa kanyang,
"what the hell is wrong with you?!!"
Napatingin sakin ang lahat ng aming kaklase. ay..sori naman epal lang. hindi ko napigilan ang aking sarili eh. haha
At iyon na nga.
"hindi lang ikaw ang nakalaban kong teacher. marami na akong nakalaban sa lahat ng skuls na napasukan ko." biglang sabi nitong si Matthew.
Ay Putang ina mo. unang una, proud ka pang gago ka na sabihin iyan sa mismong guro mo. at pangalawa, asar na asar ako sa mga estudyanteng walang paggalang sa mga guro. at sa mga estudyanteng walang pagpapahalaga sa mga paham. Lalo na at nasa loob ka ng paaralan kung saan ang mga guro ang awtoridad.
sabi ng aming guro, makakaalis na ang Matthew na ito kung ayaw niya sa klaseng iyon. at ang biglang sabi nnmn ni matthew,
"and because i hate strict people!"
"then you are gonna hate me for the rest of your life. because im as strict as any instructor of this institution" anang aming guro.
"Shut up!" ika muli ni Matthew
"no you shut up! first, dont use american accent whenever you speak english. why? because you look stupid everytime you do that. and not only that, you sound stupid because it does not sound american at all." Napuno narin ang aming guro.
"Fuck you!!" sagot ni Matthew.
At iyon, lumapit ang aming guro, kinuha ang ID nung estudyante. at sinabing magreport sa Student's Affair Office after the class.
pagkakuha ng aming guro ng ID ni matthew. biglang sumigaw itong gagong estudyanteng ito, sabi nia,
"ano, gusto mo suntukan na lang tayo?!"
Napatingin ang aming guro kay Matthew. Kalmado parin.
"Are you sure you want to do that?" tanong ng aming guro.
"ano suntukan na lang?!" ulit ni Matthew.
"O sige, lumapit ka. ikaw ang bahala kung iyan ang gusto mo." sabi ng aming guro.
At biglang sumugod itong si Matthew. Nagsigawan lahat ng nasa silid na iyon.
itinulak ni ser si Matthew dahil nga itong gagong estudyanteng to, eh panay ang atake kay ser. ito ang suntok ng suntok.
Pareho pa namang malaki ang katawan nung dalawa.
Suntukan. napahiga pa sila sa sahig. nagulo ang mga upuan. sigawan. tatlo lang ata ang lalake sa klaseng iyon.
Labasan at nakiusyoso lahat ng mga estudyante sa labas.
at noong inawat sila, sigaw ng sigaw si Matthew. Sabi nia,
"putang ina mo! colonel ang tatay ko! putang ina mo ipapakulong kita. physical injuries. putang ina mo!" sabay dukot sa cellphone nito at may tinawagan..
shyet, bukas na lang ule ung katuloy. antok na ko.
excuse my french pero MAS TANG INA YUNG TATAY NIYA. KUNSINTIDOR ANG COLONEL NA IYON.
NATURINGAN PA MAN DING OPISYAL NG BATAS. alam mo kung bakit? sa susunod ko na ikukuwento. antok na talaga ako.
PS:
At kinawawa nga pala si ser dun sa presinto nung araw na iyon. kawawa si ser dun sa tarantadong colonel na tatay ni Matthew. bakit? binatukan at pinagdududuro ang aming guro. at silang mag-ama pa ang may ganang kasuhan iyong guro namin. lumaban ba si ser sa suntukan? dumepensa siya oo. pero umatake? hindi.
At oo, may nakabinbin nang kaso sa gulong ito.
Nagkademandahan na ang dalawang partido.
Gagawin kaming witness, sa huwebes may pipirmahan na kaming affidavit.
Ganun ka-seryoso ang kinahantungan ng suntukang iyon.
Colonel ang nakabangga ni ser. pero heneral ang makakabangga ng colonel na iyon. eh pano, uncle pala ni ser ang heneral na may hawak ng camp aguinaldo ngayon. kilala mo kung sino siya? oo siya nga.
goodluck na lang! colonel lang siya, ang yabang ng gago. ngayon harapin niya ang mas superior sakania. Heneral.
ayy!! napapatambling tuloy ako ng bonggang bongga dito sa loob ng banyo!
Sib
~~Mahiwagang Sibuyas
7/1/08
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
Ay potah, Matthew, excuse my french din pero takshapomo. wala ka pang pinagmamalaki eh gago ka na. ampota kang bata ka. wala ka naman binatbat. di ka naman marunong magspelling.
shet nangigigil ako kay matthew. isang epal na tao paglaki. paurong ang utak.
pakain sa langgam!!! GRRRRR
Ano ba yan hindi ako maka get over. dumagdag sya sa init ng ulo ko. ang yabang yabang. Matthew = wala binatbat! isa sa mga hindi kaabang abang na nilalang paglaki. argh!!
may kutob akong may magkukwento sken kinabukasan(sana)... sa pampanga ako bukas, try ko hagilapin ang laging maaasahang si danilo(at siguro sa akin na alng kung ano ang parte nya sa kwento na to), hehehe
ano kuting, kamusta na?
ang scary
@tentay: "Matthew = wala binatbat! isa sa mga hindi kaabang abang na nilalang paglaki."
-tama ka dian kafatid. sapol mo. :D
nakakaasar talaga. hnggng ngaun pumapasok parin cya sa skul. at kaklase parin namin sa ibang subjs.
nakakaaning!
@mel: at sino itong Danilo na ito? :D
ahehe
anong gagawin mo sa pampanga meloi?
@leviuqse: hindi lang scary, nakakapraning pa. ;)
Wahhh... Grabe naman.. talagang mapapamura din ako kung nandun ako...GRRRr
tae pala yang si Mathhew eh
nakakabitin naman!!!
Sib wala pa ba part 3? hahah.
wow! may ganitong klaseng eksena pala sa silid aral.
walasktek, ang tindi ng estudyante...pano ba sya pinalaki ng magulang nya.
...uy, nabitin ako sa action story mo.:( sinong nanalo sa boxing? naka-ilang rounds?:D
visiting... :) lol
@aline: nde ka lang mapapamura, mapapatambling ka pa sa eksena.
bonggang tambling ito. ;)
@ka silyas: tama ka. isa siyang taeng tinubuan ng mukha. amoy tae, lasang tae, mukhang tae, asal tae, taeng-tae talaga.
@gillboard: ay dibale maiksi lang yung part three. :D
@tentay: wag kang mag alala, iiksian ko lang ang part three. haylabyu! ;)
@arnie: "...uy, nabitin ako sa action story mo.:( sinong nanalo sa boxing? naka-ilang rounds?"
-hahaha, feeling ko lang si ser ang nanalo sa labang to. pero kau nlng humusga kung sino tlga nanalo pag sakaling nabasa nio na ung part three. :)
naka ilang rounds? hmmm....
kelan ba continuation nito??
xetness nabitin ako...
mas bongga nga tlaga ung pol sci lyf mo kesa sakin...
wla p kcing naganap na katulad niyan dito sa amin...
sana nga meron eh... pra exciting! hehehe!
kainis tlga 2ng mga klasm8 nting mga bobo-ness at may attitude problem noh...
salot sa lipunan! hehehehe!
@jedmeister: tama ka. salot tlga sa lipunan. peste. ang dapat sakania budburan ng kumukulong liquified pesticide sa mukha! (ay, meron ba nun?)
hahahaha apir!
hahaha. winner! ^^; Update mo kami sa next episode ha! hehehe. Refreshing ang site na ito. Puro mura. Tulad ng site ni Tentay. hahaha. ^^;
@elliot: oo, kinukumpuni ko pa ung mga nasagap kong latest balita ukol dito. hahaha, salamat ha. ;)
panalo tayo to da hayest lebel!
-tentay, tambling tayo ng bonggang bongga! ;)
hahaha. to da ent libel talaga! if it's not too much, paad din ng isa ko pang blahgue: Travelin' Fashion
Sige isintesays mo muna ang mga balita. ^^;
Post a Comment