7/10/08

Wala akong maisip na title para dito.


WALA. Walang kinalaman ang piktyur na nasa itaas dito. Gusto ko lang ilagay yan kasi
(1) Lahat tayo nakakareleyt sa inuming pambatang yan. (2)uhaw na ako sa alak. (3)makukyurius ka, aasa kang tungkol sa redhorse ang topic na ito yun pala nalinlang ka lang. (4) none op di abab

Ikaw ba'y nasa wastong gulang na?
Nagbabayad ka na ba ng iyong buwis sa pamahalaan?
kumusta naman? natutuwa ka nmn ba sa kinapupuntahan ng iyong buwis na galing sa iyong dugo't pawis?!

Buti pa sa inglatera ano? Malaki man ang ibinabawas ng gobyerno sa kanila bilang kabayaran ng kanilang buwis eh nakikita naman nila na may kinapupuntahan ito.

Wala naman, nasabi ko lang. alam mo naman, medyo epal lang ako pagdating sa pulitika. Pakialamera pa.
Natutuwa lang kasi ako sa bansang iyon, pag walang trabaho o di kaya'y pag nawalan ng trabaho ang kanilang mamamayan eh ang gobyerno pa mismo ang magbibigay ng pera sakanila para pansuporta habang sila ay naghahanap uli ng panibagong trabaho.
tapos, may Libre paaral program pa sila. Tapos, hindi pa rigid ang kanilang constitusyon, hindi tulad dito sa atin. Tapos may prinsipe pa sila na di naman kaguwapuhan pero kung purihin at kabaliwan ng mga babae eh kala mo sobrang gwapo na pwede nang ihalintulad kay Vic Sotto.
Ewan ko ba. Sino ba kasi ang nagpasimuno ng lintek na "Capitalism" na iyan? Na siya ngayong gamit natin bilang batayan para mapaunlad 'kuno' ang ating bayan.

Capitalism?! sana naging komunista na lang ang bansa natin.
Shyet, sa Kapitalismo(Laissez Faire), the rich becomes richer, and the poor becomes poorer. Alam mo naman na to diba. hindi ko na kelangan pang i-expound.(ay, expound? ano yun? kunware alam ko meaning nun)
Kelan pa uunlad ang sambayanan kung ganian?

Shyet na mapaet, antok lang marahil ito. wala pa kong pahinga. (waaaw, pahinga sa eskwela, hindi pahinga kung saan)

wala, hindi ako makapag isip ng maayos. Pagod na ang aking cerebral cortex.
ito ay matatagpuan right under(anterior) my forehead. ibig sabihin, pagod na rin ang aking baby bangs. Maderpakengbets.
Basta wag lang akong magkaroon ng Broca's Aphasia.(kunware alam ko ulit ang ibig sabihin nian)

wala naaaaaaa. Nagkasala-salabid na ang aking tots and pelengs.
Maninirahan muna ako sa loob ng box na may lamang Pizza.
Dapat pagbalik ko mapuno na ng iyong sangkatutak na putak tong aking mahiwagang blog.

Ako'y aalis muna saglit. Prelims na next week. Madugong pakikipaglaban nanaman to kay Big Ben at sa tilaok ng manok.

Kunwari daw eh super konsentreyt ako sa examination week para naman medyo matuwa ang aking magulang. (at maisipan nilang dagdagan ang aking baon. wahahaha...ubo. ubo.)


babayuuu depektib!

hanggang sa muling kuting huling supling uling aning kambing lambing daing laing saging matsing charing,
Sib
~~Mahiwagang Sibuyas

23 comments:

TENTAY™ said...

Okay, una tungkol sa taxes. una palang alam mo hindi ako natutuwa. Nampucha almost every cut off, almost 2k nababawas sakin. kamusta naman sa isang buwan diba?!?!?! kung ano ano na mabibili ko don eh!!!

Sib saan ka pupunta magtatago ka sa libro, baka masunog kilay mo!! pano na ang berde mong eyes. huhu. mamimiss kta din no! paramdam ka paden huhu...

talambuhay said...

pedeng ang title ay "ininom ka ngunit kulang" or "sipang kabayo" or "pinataob na pulang kabayo" or "pinasok ngunit nasarapan"...

wala lang idea ko lang...

pensucks said...

haaay.. mamimiss kita


---bawang

TENTAY™ said...

SIb don't gooooo please don't goooooo away. ooohhh I want you to stay... (kumakanta) hey hey!

Anonymous said...

uu nga mei america's got talent at britains got talent dpat mei filipins got talent na rin.aabangan q ang pagburb mu don.nice blog!tgalog na tgalog.

Steven said...

nice one.

ALiNe said...

Nakakainit ng ulo ang tax...hay!

leviuqse said...

bagong title!!!

posh_post said...

hello! visiting u today sib! :) hindi na kita na kita sa site ko. :)

Jhamy whoops! said...

nice pitchure!! hehehe!!
red horse extra strong!

:)

blog hopping...

rimewire said...

--

hakhak

mas malas kame kase midterms na kame eh

hakhak

hai nako nababalew n ko sa kaleyds

hakhak

elyens

XXXxx

Mel said...

eto try mo na titulo ng nailathala mo:

"ang bote na may laman na starfish pero dapat alak talaga eh kaso ubos na at itinapon sa buhanginan"

o kaya:

"tanginang tax yan, kaya redhorse ang naisip ko"

o kaya:

"gusto ko kumanta ng 'myway' sa videoke!"

let's panic kuting!

Sanchoism said...

Kit?! if im not mistaken,you are one of the people on the school's debating team? handled by sir "kedse"? pls correct me if i have thought you of someone else.

Snob girl hehe. I saw you sa school kanina. :)

Sanchoism said...

and yea hindi nga ako pwedeng magkamali i saw your green eyes sa pic. why do u cover your pretty face? hehe

Athan said...

galing naman, kahit may twists.. my moral values din. hehhe

dedpish said...

baket sibuyas?

UtakMunggo said...

nakuu magbuo nga tayo ng vigilante group at pagtitirahin natin yang mga kurakot diyan sa pwesto.

masaya ang mga ingles sa tax nila dahil napapakinabangan rin nila talaga. healthcare and education, sa aking palagay, ang napakaimportante at talaga namang napakikinabangan rin namin.

Mahiwagang Sibuyas said...

@tentay: tentay ganda, ako'y narito na. hindi ko nakayanan. umariba ang adiktus mode ko sa enternit. kaya itu, aku'y nagbalek! haaafir! uy, kantahan mo ako pag inampon na kita! :D

@talambuhay: ay, gusto ko yung ininom ka ngunit kulang.. hahahaha langyang mga banat yan mang badoy o.

@Pensucks: Ay, na-miss din nung sibuyas yung Bawang. pakners in crime talaga sila.

Mahiwagang Sibuyas said...

@anonymous: aabangan ko din ang pagnood mo sa philippines' got talent kung sino ka mang adik ka. ay,juklang juklang. apir tayo!*


@steven: alin ang nice one? hoho, salamat sa pagdaan esteben. apir!*

@Aline: Sinabi mo pa. Puksain ang mga kurakot! ;)

Mahiwagang Sibuyas said...

@leviuqse: waaah bagong title? lumang title na lang? apir! :D

@posh_post: Salamat sa muling pagbisita mo posh. Yaan mo, dadalaw ako uli sa site mo. ;)

@jhamy_whoops: tara na't mag inuman kasama si tentay! woohooo ubusin ang alak sa mundo! :D

Mahiwagang Sibuyas said...

@rimewire: yup, midterms din ako agad dati. mas hebigats nanaman yun haha. kaleyds yebah! waaaw may elyens pala sa kaleyds. panalo woohooo! :D

@mel: hahaha tangenang tax yan kaya redhorse naisip ko! panalo!! apir meloi ubusin ang alak sa earth!

@Sanchoism: Sino kaaa?? Shyet bat alam mo name ko.

Mahiwagang Sibuyas said...

@athan: Salamat athan. teka ano yung twists? wag kang ganian, mahina ako sa ingles.. hahaha nosebleeeed!! ;)

@Dedpish: Hindi ko din alam dedpish. kaw, baket dedpish? :)

@utakmunggo: huwaaaw, nasa inglatera ka nga pala.. ampunin mo na ako dian.. ;)

dedpish said...

hindi ko din alam.
haha.

xD