8/25/08

Hagdan Moment

(My kronikels with superman)

Tinanaw ko siya mula sa ikatlong palapag ng main building ng aming school.
He was every girls dream.
Everybody was so eager to get affection from him.
Mapabata man o kahit yung mga bruhitang umaasang may asim pa sila.
Ano bang meron sa taong ito?
Naitanong ko habang nakatanaw sa lalaking pantasya ng mga estrogen at progesterone producers.
Nakakaasar.
Tinignan kong muli siya habang naglalakad paakyat sa main building kung saan ongoing ang aming klase at ako’y nag ‘may I go out’ nang matapos ko ang nakaka-aning na quiz sa aming butihing propesor.
Na ewan ko ba, nung nagsabog ang Diyos ng katamaran eh hindi lang niya nasalo, nilamon pa niya marahil. Antamad ng propesor na iyon bwiset.

Balik tayo ke superman,

Panigurado, pag ipinamalita ko nanaman sa mga kaklase kong gurlalu at mga not so gurlalu na parating na si superman the man of all seasons and even seasonings including bagoong, eh mag uunahan ang mga lintek na magtakbuhan para lamang masilayan ito. Syempre magtitilian muna ang mga iyon.

foreplay daw muna bago ang climactic climax. Lololololololololol

Sa totoo lang wala na akong balak bumalik sa klasroom, ang sabi naman kasi nung tamad na propesor eh basta pag natapos na namin ang quiz, pwede nang lumayas. Kaya ayun, masunuring estudyante naman ako kaya lumayas na talaga ako. Yun nga lang, Ako’y nagpaalam muna bago lumayas. Good deed.

Kaya tinext ko ang makukulit kong klasmeyts na sumunod na lang sila sa pantry.

Bumaba na ako sa hagdan, Alam kong makakasalubong ko si superman. Ako lang ang nakakakilala sa kanya sa palayaw niyang iyon.
I silently called him superman because- well its an acronym na nakatuwaan kong gamitin. S-sobrang U-ber P-pantasya ng E-everybody pero kung R-rumampa MAN na man ang dating. MANananggal ng men. S-U-P-E-R-MAN. Lololololololololololol.

Weird. pasensya.

He went left so I concluded na sa exit stairs siya aakyat na alam nating lahat na mahigpit na ipinagbabawal ang pag akyat doon.
Kasi nga EXIT lang.
iba ang stairs sa pag akyat, iba rin sa pagbaba. Magkabilaan iyon. Kaso ang siste, mukhang hate nitong si superman ang rules and regulations. Aba, pa-badboy effect.

Pag apak ko sa ikaanim na baitang from top, ayun na nga nagkasalubungan kami.
Yes, superman was indeed a headturner-Tina Turner. No doubt about that.
He was wearing a white fit polo shirt that has a hangten logo sa gilid. The shirt was of good fabric I thought.
It fit him well. He was not wearing any fancy jewelry or accessories for that matter. Ang tangi ko lang nakita was a watch. It was a cute watch. The kind of watch that most metrosexuals wore.
Kahit singsing sa hinliliit wala akong nakita.
He was wearing jeans too. Basta yung jeans na semi-fit. Medyo pakupas but it was still tidy to look at. Well, atleast siguro pag sakania nakasuot. Magaling magdala ang loko eh.

He was holding a pilot pen and classcards.
Yun lang. I never saw him carry a handful of things.
Ah minsan lang pala, may bag siyang dala. Na alam ko ang laman. Laptop.
But most of the time, wala siyang dala kung hindi yun nga, yung pilot at classcards.
O nagtaka ka kung anong kinalaman nung classcards?

Pareho pala tayong slow eh.

Oo, instructor si superman.
Ay, hindi ko pala nabanggit nung una ano?
Ahhhh. Sorry naman.

Nagtama ang paningin namin. At naasar ako kasi ako ang unang nagbaba ng tingin.
Naasiwa ako eh. Nagkataon pang kami lang yung andun sa hagdanan that time.
Ako pababa, siya naman eh pataas.
I smelled his perfume. Hindi nakakairita sa ilong. It was light and has a tinge of sweet smell. Was it Carolina Herrera? Am not sure.

Nang magkatapat na kami, I sensed the tension. I was kinda shaky. And at the same time so eager to look at him again.

Ano ba to?! Maderpeck.

Nang medyo nakabawi na ako, lumingon ako para tignan ule siya.

Binati siya nung mga estudyanteng palabas sa unang klasrum malapit sa exit stairs. Of course, he may look like a total snob pero pagdating sa kanyang mga estudyante, he always have that sunny disposition.

Tsss, superman indeed.

Bwiset.

Ni hindi man lang lumingon ule?!

Gusto ko siyang lumingon ule. Kasi…

Gusto ko siyang sitahin.

Aba, kahit titser siya sa unibersidad na iyon eh matuto siyang sumunod sa mga patakaran.
Hindi dapat siya pamarisan kung ganoon. Dapat ireprimand ang titser na iyon.

O kala mo naman? Gagah, Hindi ako kinilig sa hagdan moment namin. I was shaky kasi nga gusto ko siyang sitahin. Dapat sa kabila siya dumaan.

Tangenang Superman iyon.

35 comments:

Mel(na nasa opisina) said...

ang katapat nyan ay isang traffic enforcer ng mga hagdanan para may sumita sa kanya

Mel(na nasa opisina) said...

kanina pagkalagay ko ng comment ko ang nakalagay sa labas ng blog mo ay "1 COMMENTS"

tangena adik lolz

mahiwagang_sibuyas said...

@meloi:
lolololololololololol langya adik nga.

kaya pla sinigurado mong '2 comments' para nabigyan ng hustisya ung 's'.

ewan ko nga eh. meron tlgng trapik encorcer kaso ewan ko baka tulog sila nung mga panahong iyon kea wlng nanita sakania. :D

UtakMunggo said...

sows. may pa sita- sita ka pang nalalaman.. hahaha if i know. hehe

o e bakit raw pati absence ng singsing napansin ng cheeboo? sus.

pati outfit na-memorize? sus.

gotya. tsup!

JedMeister said...

oka... naalala mo tlga damit ng metrosexual n un ah... hehehehehe


Carolina Herrera! Sosyal!

hehehe... alam mo mgktulad tlga ung mga prof. natin... di rin sumusunod sa patakaran... shyetness! bkit kya cla gnun??

mahiwagang_sibuyas said...

@utakmunggo:
saws hahahahaha

NO COMMENT.

shyet lololololololololol. :D

tsup! ;)

mahiwagang_sibuyas said...

@jedmeister:

Oo tlgng CH ung pabango nia. ;)

Minsan nga makikisit in ako sa klase mo and vice versa tas okrayin naten ung mga ka okray okray na propesors. lololololololol :D

Sanchoism said...

aba mukhang kilala ko yang tinutukoy mo ahahahah huli ka. at bkt nsa comp lab ka?dun kn sa haus nyo huy uwi ka na. balita ko knuha daw nun numbr mo?tsk tsk

mahiwagang_sibuyas said...

@sancho:
ano? pinagsasasabe mo tae ka. :D

number? sa jueteng? oo. ;)

lolololololololol

kauuwe ko lang.
uwe ka na din oi.

pensucks said...

alamin mo muna kung gusto nya ang sibuyas. kung hindi, i-harass mo... hahaha...

mahiwagang_sibuyas said...

@mhar:
haha adik ka. ;)

panu yan di daw trip ng sibuyas ang superman lololololololol :D

haapir!*

Rio said...

dumaan po at nakibasa=)

si superman tlga..di marunong sumunod sa patakaran..hehe
have a great day..

eli said...

hi..nakakatuwa nman. excellent!

mahiwagang_sibuyas said...

@rio:

salamat sa iyong pagdalaw. ;)

sinabe mo pa. bad superman. taenang kolokoy yun.

lolololololololol

mahiwagang_sibuyas said...

@eli:

salamat. :D

alin ang nakakatuwa? hehe ;)

kirksydney.com said...

Huwaw! Yan na pala meaning ng Superman ngayon. I know somebody na patay na patay ke Superman, masabi nga yan sa kanya, hahaha.

mahiwagang_sibuyas said...

@kirksydney:

nyay sino?!

lololololololololol

lokah. :D

buzzing flowerpecker said...

naku may pahagdan-hagdan moment pa kayo ah.

hehe. sure ka bang lalaking-lalaki si superman?

yung superman ko kasi kaduda-duda. hehe.

mahiwagang_sibuyas said...

@buzzing flowerpecker:

huwaaaw i really like ur name. :D

Oo lalake tlga badtrip nga eh. lolololol. gusto ko nga gawin nlng syang baklushi eh. amfefe.

naka, patay tayo dian, baket naman kaduda-duda? manananggal din ba ng Men yang superman mo? ;)

prinsesamusang said...

sitahin pala ha wooooo! aba instructor pala itong superman na ito. sayang no konti ang dala niya di mo tuloy matulungan. lol.

mahiwagang_sibuyas said...

@prinsesamusang:

lolololololololol ;)

hayaan mo siya. wag tulungan. Pasaway na nga tamad pa. feeling nia siguro masyadong mabigat ung mga classcards. :D

alingbaby said...

dine-describe mo palang siya pati ako nagkaka-crush na hahahaaayy...nakakamiss ang ganyang feeling hehe..

nakakaasar? pero kabisado ang suot pati perfume. tsk tsk..the more u hate the more u love hehehe..

pabisita :)

mahiwagang_sibuyas said...

@aling baby:

nakow haha, da more you hate da more u lab.. susme. ;)

oshige, bisita ka dito papakilala kita sakania. tapos, sapakin naten.

para magtanda siya.

tsk, basta naaasar ako. kung makikita mo lng siya, kala mo estudyante lng sa university.

grrrr tas tipikal na mahilig sa 'jesebel'

pakshyet.

(uy salamat sa pagbisita. apir!*) :D

JedMeister said...

bumibisita! :)

gillboard said...

wooh.. sisitahin daw siya... hehehe (joke)...

yan ang masarap sa school days, yung mga taon nag-iinspire sayo pumasok!!! sa opisina kasi, wala!!! hahaha

namiss din kita!!! hehehe yaan mo babalik din ako ng Pinas in 2 1/2 weeks..

mahiwagang_sibuyas said...

@gillboard:

waaahh ansarap ng vacation mo dian sa NZ. :D

lololololol, langya wala bng mkpgpa inspire sayo sa opisina? susme, mahirap yan. sa computer ka na mgpapakasal. ;)

at teka, no no nooooooooooo.
nde ako inspired dhl dian ke superman.
pekshet. ;)

Aling Peppay said...

Mareng Sibuyas,

ano na naman itong kalokohan na ito? ikaw talaga pag nag kwento para kang laging naka inom ng isang galong downy!! ahahay! Gaano ba ka-yummy ba yang si superman na yan? minsan nga post mo yung picture na mahusgahan! he..he..

mahiwagang_sibuyas said...

@mareng peppay:

susme, ewan k0 nga din kung anong nakita nila sakania. nabubwiset lang ako pag nakikita ko yang superman na yan.
post ko pic nia?
hmmmmm *sabay himas sa baba*

not a bad idea.
lololololololololololol
(iL think about it)

fish said...

awww...

rej said...

dapat tinisod m n mareng sib nung sa hagdan p lng at ng matauhan...

anu ung pabango ulet?
diko tanda eh
buhahaha
hanggan cologne lng ako eh
mabango n kc ako d n kelangan ng
artipisyal n kulay este amoi
buhikhikhik

di mo n ako dinadalaw ah
mukhang busy ka ke superman
masapak nga yang SM n yan

KRIS JASPER VAN DYKE said...

di ka namna niya cguro stalker no? lol.

anw, next tym, pikturan mo at blackmailin mo siya...

im sure gagawin niya ang lahat for you.

mahiwagang_sibuyas said...

@ fish:

get get awww! (sexbomb?) ^^

mahiwagang_sibuyas said...

@waforej:

nyay haha hamishyu padrino.

onga eh, busy-busyhan ang lolah mo kaya nde na nau-update ang kanyang blog.

nyak, pake ko ke superman. hahaha, tadyakan ko pa yun eh. ^^

(haha brutal?)

halika, tisudin naten siya.

mahiwagang_sibuyas said...

@kris jasper:

nyak stalker? naka, patay tayo dian.

haha, gagawin ba niya ang lahat? pati ang umalis sa unibersidad na iyon?

huwaaaw, nice idea. ^^

apir!*

nobodysgurl said...

kakaloka naman ng shaky moment mo with superman...he should be given a good spanking for being such a bad boy...asus!!!