A person with a purpose does things out of ordinary, above average.
Personality does not make a person extraordinary. Neither does intelligence nor education.
What makes a person extraordinary is his purpose. – The consuming desire to accomplish
something in life.
-text message
Nahihirapan akong analisahin ang mga cheneler churvah chakaness sa buhay ko sa ngayon. May mga pagkakataong kailangan mong isakripisyo ang ibang bagay upang pagbigyan ang mas kapaki-pakinabang na adhikain.
Mga bagay na mahirap isaayos pero responsibilidad mong baguhin at itodo ang general cleaning.
Kung mag-gegeneral cleaning ka naman, ano ang iyong purpose? Gawing maaliwalas ang nilinisang paligid? Matanggal ang alikabok hanggang sa dulo ng walang hanggang apat na sulok? O para lang mapagod ka at sa banding huli’y magsisi at mapagtantong hindi mo kailangan mag-general cleaning kung inaaraw araw mo lang ang paglilinis.
Parang gusto kong pagsasasabunutan ang mga gahiblang buhok na nasa loob ng ilong ko. Kung sa ganoong paraan lang maiibsan ang hapdi.. ang pait! Ang hinagpis! Ang kalungkutan! Ang paghihirap na bumabalot sa aking.. cheneler!
Feeling ko nasa gitna ako ng isang malakas na daluyong. well, feeling ko lang.lolololololololol.
Tsk, hindi ko ma-explain.
Sa ngayon, nasa Abeyance mode marahil muna ako.
Buti na lang andian ka kahit papaano, oo ikaw nga. unless may nagbabasa ding iba dian sa likod mo... wag ka nang lumingon. lilingon ka pa eh. Salamat sa iyong walang sawang pagbabasa ng samu't saring blogos ng iba't ibang pepul.
Pasensya ka na ha kung hindi ako makakadalaw-dalaw sa iyong blog sa mga susunod na araw / linggo / taon / dekada / henerasyon / churvaness chekeler. Ni hindi ko na nga rin maasikaso ang aking chopping blogboard.
Alam ko naming mamimiss mo ang nakakabwiset na comment ko sa blog mo.
Mamimiss din naman kita. Mamimiss ko ang nakakaantig puso mong post, ang nakaka-aning na kwento ng iyong buhay at ang nakaka-eksayt mong lablayp. totoo yun, streyt pram my hart. Tumitibok din ang pusod ng Sibuyas. Pusod tlga eh no?
Dito ka lang sa mundo ng blogosperyo makakakita ng mga nilalang na nilikha sa Earth o kung saan pa mang galactic chuvaness, na talagang may laman ang nervous system. Tang ina, ikaw kaya ang makipagkwentuhan sa mga hiphop boys sa kanto tungkol kay ellen degeneres at sa Philippine Consti?! baka bugbugin lang nila ako ng wala sa oras. shyet.Naniniwala ako sa bawat talatang binibitawan mo sa iyong pahina, dahil alam kong galing iyon sa kaibuturan ng iyong Endocrine at Nervous system.
Natutuwa ako kung paano mo naipadarama ang iyong katauhan sa pagsusulat.
Bihira ang may mga ganyang talento.
Kaya ipagpatuloy mo lang ang iyong nais gawin, humugot ka ng inspirasyon sa iyong kapwa, marame ang naniniwala sa iyong kakayahan. at isa na ako doon.
wala akong pake kung sabihin mo mang korni ako, dahil..
matagal na akong korni, engot. lololololololololol
tsaka,
Putang ina ang emo ko!
(hemong-hemo!)
Ngayon lang ito. Imposibleng maging emo ako por da rest op my pathetic days.
Gusto ko ding magkwento tungkol sa aking personalidad, sa aking buhay, sa aking achibments at peylyurs pero subalit datapwat nguniiiiit pag iisipan ko pa kung dapat nga ba.
Introvert ako. Sa maniwala ka’t sapilitan kitang paniniwalain.
Lolololololololololol.
Hanggang yan lang ang kaya kong sabihin sa ngayon.
Hamganameshyuuuu!
-am jas gonna pex da uhuging bolkswagen op mang itoy, my prendly neyborhood tanggero.
(in short, hahanapin ko lang ang aking selp, baka nai-shoot sa lintek na makina ng kakarag karag na bolkswagen ni mang itoy.)
Tsup tsup mwah mwahugs! Tc you! gbu!
-text message
26 comments:
I also asked myself before, feeling ko wala din kasing direksyon ang buhay ko.
Wel, I prayed! At ngayon alam ko na! Yey, di nako damong-ligaw! (--,)
@chyng: yey, tama yan!* :D
dika na damong ligaw.
hmm, magandang ideya yan,
"Ligaw na Sibuyas".. shyet, emong emo. lolololololololol. ayaw. ;)
Ano naman to ano nangyayare sayo bat hahanapin mo sarili mo? Natry mo na ba sa Lost and Found? Pa-alertohan ko na ba ang pulisya?
Ano naman yan.... bakit... why o why.... =(
magsilayas kayong lahat! alis! alis! mga walang kwenta! hindi n'yo ako mahal! *star cinema mode*
anubayan cheeboo, lahat yata kayo nagpapaalam mag indefinite hiatus ah. naku mahirap 'tong kalagayan ko ngayon ha, biruin mo mag-isa lang akong magba-blog hop. huhuhu
o siya, ayusin mo na yang boks ng nebor, baka pwede mong i-alter yung makinarya nun at mapatakbo mo gamit ang water para tipid na sa gas.
*sipol-sipol dahil walang kausap*
yikeee, umiibig ang sibuyas...aus lang yang ka emohan na yan...maulan kasi!, hahaha!, nai-imagine kita, nakadungaw sa bintana, nag-iisip, with drops of rain pouring down your window sill, siyeeeett!, hehe!
steady lang, sibuyas, itawa mo na lang!!!!:-)
a, sib...mali ang pagkakaintindi ko sa entry mo, paxencia na, bangag...anyway, sana makabalik ka sibuyas!, hope you'll find your way home, :-)
steady lang para solid...
mas ok kung habang emo/abeyance mode ka(buti na lang at hindi mo ginamit ang term na hiatus, kase tangena lagi nalang hiatus ang nakikita ko eberiwer, omg, wiper, =)) eh may hawak ka na isang malamig nalata na may oh-so laimg na redhorse at may nakaabang pang tatlo para tulog ang bad vibes!
yehu, intay namin matapos ang trip mo tas balik kalokohan ulet
Emo month ba ang august? hehe anu baaa.
ano yung abeyance? lalim nun ha. hehe :P cheers bibiGer
Ang galing! nakapag-post ka ng entry habang inaayos mo ang volkswagen ni mang itoy. 'Yan ang unique trait:)
Umaarte ka lang.
Sino ba crush mo sa deyker ha? isubong mo kay TeachER. i fifix date ko kayo sa guidance office! nyahahaha!
Salamat naman at natamaan ako sa post nato.. nyahahaha ulit!
lumabas ka na nga jan sa volks! ilang araw k na absent ah.
baka kailangan mo lang ng break sa lahat lahat...
kaya ang payo ko "have a break have a kitkat... "
ang layo ba??? hehe
Ate! nA miss nga talaga kita.. huhuhuu! bweshet ka ha. drama ka yata ngayon. chak! huuhuhu!
hindi na ako lumingon. mahirap na baka kase makita ko pa ang shadow ko. chak! emo!
meine nasse bleutet!
aba soul searching ito... sama ko dyan
hoi bruha!
ngayon ka pa magso-soul searching na kakabalik ko lng s blogospherya...
kainis nmn oh! wla me kachikahan eklaver...
i'm gonna miss u!
sulat ka ha!
ingat sa cancer! hehehehehe!
ang misyon mo sa mundong ito eh pasakitin ang bang ko.
di ko alam kung papaano, pero naiintindihan ko ang sinusulat mo..
abeyance?! alam ko na... kelangan lagi may dictionary ako sa tabi ko pag bubuksan ko ang blog mo.. :D
anong ka-emohan ito nyahahahaha! amazing...
oh iskolar istelar busy masyado sa studies.huwag dibdibin bka sa ospital ang bagsak mo. hehe balik ka agad.
Asus Mare!
May pahanap hanap sa sarili ka pa kunong nalalaman? May Sapi ka ba? he..he.. Pag di ka nag sulat ng blog baka lalo kang maloka nya sige ka! Dyan ka lang! Wag kang umalis! Hamganameshyuuuu!
tama na ang emo mode! ako nga sawa na eh. :D
pssst sendan moko ng badge mo at iaadvertise ko for free and blog mo for 24 hours :) visit my latest entry for more details! :)
Cheers bebeGir!
Minsan lang ako madalaw dito, emo pa na article madadatnan ko, haha. Tama na yan inuman na!!!
aba tuloy tuloy ba ang emo?!?! hehe :P
Di ka korni... honest ka lang.
Ma-imagine mo bang kausapin si Congressman nyo about "shutter shades"?
Or kahit si Gloria A. May time ba yang makinig sa Emo mode mo at kung anong fave music mo sa ngayon.
I dont think so.
Co-bloggers mo lng ang may time.
So I think Bloggers should run this planet. May sense kasi tayo eh (ahem).
Wow, matagal-tagal ko na rin sinusubaybayan ang blog mo at parang sumobra po ata ang pagka-emo, hehe.. :D anyway, nais ko po sana humiling na magpalitan tau ng links? ayos lang po ba? paki ipaalam mo na lang po sa akin kung ok lang. salamat. :)
lolz, natawa lang ako, ok naha? tabi muna emo mode, apirness!
Absolutely with you it agree. Idea good, I support.
Post a Comment