Showing posts with label jerjer. Show all posts
Showing posts with label jerjer. Show all posts

7/21/08

LabLayp (da vestigial edition)


There are discriminative eventualities that we cannot surmount and electrostatically get a confinement of.
Kin to that, we cannot thwart anything about such.
We cannot ark faith to suffice the occurrences which she's heaved to do.
Sometimes, you cogitate your aptness, but in reality u still feel the subdued emptiness.
Probably the goad why some sapiens tend to comprehend encumbrances in a hasty and superficial standpoint.
Probably the reason too, why I assert my being, my phantasm and actuality in a rope of network tool called the 'blogosphere'.

And right now, I'm in pure awe of sedulous pomp.
Trying to substantiate my dormant gray matter that has been deprived from it's baguette since God-knows-when.

In short, bansot, kelot, utot, eto nanaman, umaariba nanaman ang aking somatic nervous system.
Binabagyo nanaman ang aking malikot at supot na utak.
sa hindi ko malamang kadahilanan.

tsaka, pwede magtagalog na lang ako? dinudugo na ilong ko. Lintek na intro.

At speaking of intro, eto na nga rin marahil ang dahilan.
Ang rasong nagpapagulong-gulong sa aking magulong buhay..

Ang buhay-pag ibig ko ay parang Philippine Constitution.
Obsolete na. Vestige. Ancient. Thunder. Tundra-Mudra. worldwar era.
Hindi mai-revise revise.
Andameng nagtangkang baguhin at buksan pero hindi nagtagumpay.

Kelan unang binuksan at binago ang ating konstitusyon? Nung 1935 diba.
Ilang taon ka na ba?

O, kelan ang sumunod na taong binuksan, binutingting at pinakialaman
yan? 1973 diba? diba?

Kung noong panahon pa ng kopong kopong mo naranasan ang unang tilamsik ng pag-ibig at hindi na yan nasundan pa...
Patay kang betlog ka!

2008 na ngayon tama ba? o syempre, hindi naman 1973 ang huling
pangengealam sa Philippine Constitution natin. ikaw naman.
Anong akala mo sa Pelepen pipol? tamad?!
Kaw talaga, dagdagan mo naman ng labing-apat na taon.
1987.

O diba? Churvang churvah.
Huling pinakealaman, binago, niratrat ng mga allegedly "concerned"
pipol ang ating konstitusyon noong panahon pa ni Cory Aquino.

Juskoh, Anong petsa na?!

Kung ang huling paglasap mo sa tamis ng pag-ibig ay noong panahon
pa ng panunungkulan ni Cory Aquino, aba eh goodluck naman sayo.

Naipanganak na ko't lahat. Natutong Mangulangot, natutong tumae nang hindi nahuhulog ang fwet sa arinola, natutong sindihan ang kandila sa loob ng bahay ng aming kapitbahay, natutong manghuli ng gagambang-bahay at ibenta sa mga bobong kaklase sa halagang 300 pesos, natutong magsuot ng cycling shorts sa loob ng palda noong grade 4, natutong mang-uto, natutong magpauto,natutong batuhin ng eraser ang nakatalikod na bwitreng titser ko, natutong umutot ng walang tunog, natutong umutot ng walang tunog sa loob ng klasroom, natutong umutot ng walang tunog sa loob ng tahimik na klasroom habang nag-eeksam, natutong umutot ng walang tunog sa tahimik na klasroom habang nag-eeksam at nasa likod ko ang aming titser, natutong magpalusot nung pinaghinalaan ako ng aming titser na ako daw yung umutot, natutong tanggapin na mas mautak saken ang aming titser kasi napaamin niya ko, natutong kamuhian ang bwitreng titser na yun por da rest op my dying days, at natutong tanggapin na ang lahat ng bagay ay pwedeng matutunan kung pagsisikapan lamang na matutunan ito..
Lahat ng iyan ay naransan ko na pero subalit datapwat nguniiiit hindi parin nabubuksan ang konstitusyon mula noong 1987.

Oo nga naman, mahirap nang basta-basta nalang pakialaman yan ule kasi nga naman, baka gamitin lamang ng ilang bwaka ng kepyang pipol por deyr own adbanteyds ang pagrerebisa sa Pelepen Konsti.

Ang pag-ibig at Pelepen konstitusyon ay may posibilidad parin namang baguhin / baguhin lang ng konte / isaayos / isaayos ng konte.

Hindi ba?

Sa ngalan ng ating rigid Constitusyon,
gusto kong ipakilalang muli sayo si ConCon.
Constitutional Convention.
tangenang yan, pangangampanya na to! hahahahahahahahaha


At sa ngalan din ng mapusok at kasula-sulasok na pag-ibig,
gusto ko ding ipakilala sayo ang Torjak.
Putragis torjakan na to! hahahahahahahahaha


hay, wala akong maisip na pwedeng isulat. syet.

(credits to AdrianthePadawan for the image)