6/29/08

EPAL KUPAL PANDESAL BANAL KANAL (part one)

Huwebes. ikadalawampu't anim ng Hunyo, taong kasalukuyan.
isang buwan mula noong araw na yun bago ang aking kaarawan.

Katanghaliang tapat.
Kasalukuyang nagtatalakay ang aming instraktor tungkol kay Georg Hegel at Mao ZeDong.

Malaki syang tao.
Mapagkakamalan mo talaga cyang NPA pag nagkataon.
Balbasan din pero cleancut. yun nga lang medyo konyo tong si ser. Naka-breyses yan.
Tapos ang kanyang ingles eh may american aksent.

Nun nga daw nasa Baguio pa cya, muntik na cyang dinakip dahil akala daw tlga NPA cya.
Humagalpak talaga ako ng tawa sa klase nung marinig ko yun. Eh sa Radikal ba nmn niang pag iisip, kasama na ang kanyang notoryus na itsura- talagang mapagkakamalan cyang New People's Army.
-teka, nde si Georg Hegel to. nde rin si Mao ZeDong. ung instraktor nmen ang tinutukoi ko.

Bweno, yun nga. may maikling pagsusulit kami nung araw na yun.

*ang unang rule: wrong spelling wrong (tangena, tama nga naman.)

*pangalawang rule: kelangan may isa ka pang malinis na piraso ng papel pantakip sa iyong test peyper, dahil kung wala, lagot ka.

*pangatlong rule: wag nang pangaraping lumingon at maghanap ng sagot sa katabing kaklase. dahil, malilintikan ka.

Unang tanong: "what's the complete name of the country where you're a citizen of."

Putang ina. Complete. Nagdalawang isip ako. (Ang epal talaga ni ser.)

1.) Philippines
(owpakshyet, kumpleto daw eh.. eh di may republic un.)
so eto ang sagot ko sa number one,

1.) Philippines (Republic of the Philippines)

-Tuwang tuwa naman ako, feeling ismarte dahil dala-dalawa ang sagot!


Tapos nung checking op peypers na,
Amputek nde tinanggap ung sagot ko.
Playing seyp daw. Masyado na raw ako maswerte kc dalawa ang sagot. eh mali ung 'philippines'. dapat republic of the Philippines.

tangena, nasayang one point ko dun. hahahaha! boplaks.



Sib
~~estudyanteng Sibuyas
(itutuloy....
ang kwento ng suntukan. hahaha)

10 comments:

Mel said...

oi kite, ngeon ko lang nalaman na complete name pala ng bansa natin yun! wahahaha!

dadakpin k orin yung instructor nyo tas bibigyan ko rin ng nakkabadtrip na test wahahaha!

apir apir!

bawal matulog ng madaling araw!

Mahiwagang Sibuyas said...

@mel: lintek nga eh. ako din.
parang China- ROC
eh di dapat sa Pilipinas, hindi RP. dapat ROP.

Ampotpot.

Hindi lang yun Meloi, yung pang 40 na tanong nia eh,

"what's my COMPLETE name?"

Ay putang ina, Mahina ako sa Pagmememorya ng mga pangalan.
Apelyido lang alam ko sakania.

Yung number 1 at 40 ang mali ko sa amfefeng quiz na yan. Badtrip.

Ay, Nocturnal nga pala tayo kea bawal matulog ng madaling araw. *kamot-ulo* nakalimutan ko, sa susunod di na ko matutulog.

gillboard said...

ang saya naman ng pop quiz niyo...

nakakamiss mag-aral!!!

Mahiwagang Sibuyas said...

@gillboard: buti ka pa natuwa sa quiz na yan.

-sinabe mo pa, kahit puro mura at pambabato ng mga babasaging bagay ang tinanggap ko sa bahay nung sinabe kong gusto ko ulit mag aral, ok lang. tiniis ko. kahit mamimiss ko ang panggagago sa mga kanong callers sa center ok lang, tiniis ko parin. basta malasap ko lang ule ang ginhawa ng araw araw na may hinihinging baon. hahahahahahahahahahaha.

juklang. juklang.

Mel said...

onga noh? asteeg yang naisip mo, gusto k ona rin amgaral ulet para puro hingi na lang sa magulang ng baon, woohoo! haha

The Dork One said...

ang oa naman kung republic of the philippines ang buong name ng bansa natin...

na miss ko tuloy ang schooling

Mahiwagang Sibuyas said...

@leviuqse: hahaha sinabe mo pa.

pero mas Ok na yung Republic of the Philippines kesa naman GLoria Republic. :D

apir!*

TENTAY™ said...

ayun oh eto si Sib humirit ulit. hahahahaha. basta ayoko na magbayad ng buwis kung magiging gloria republic. teka teka, hindi pa ba ganon, di palang officially nagpalit ng pangalan? hahaha

Mahiwagang Sibuyas said...

@tentay: hahahaha tama ka, unofficial name pala yun ng bansa naten, amf. :D

Anonymous said...

Поздравления с днем рождения голосовые Отправь на мобильный своим друзьям и коллегам оригинальные поздравления с днем рождения, поздравления к юбилею, открытки - признания в любви или забавные приколы и розыгрыши.
[url=https://atkrytko.ru/card.php?card_id=90368] как можно поздравить с днем рлждения по телефонц креотивно [/url]