May nagtanong saken kung ako daw ba ay lalake o babae?
Sib: Lalake o babae? ako? nde pa ba obvious?!
Nagtanong: kaya nga tinatanong eh!
-----------------------------------------------------------------------------------
Angelica jones: i love my bodies. from head to toes. even my hairs. you see, i think its so shiny above the rest.
-----------------------------------------------------------------------------------
kolehiyalang npadaan sa harapan ko at walang nagawa kung hindi sagutin ang tanong ko:
Sib: Miss, sa tingin mo ba masasabi mong ganap kang babae?
kolehiyala:(nakakunot-noo sabay turo sa sarili)
Sib:(sa isip lamang..) susginoo, nahihirapan atang magkumpuni ng mga isasagot sa tinanong ko.
kolehiyala: i dont talk to strangers! (sabay sibat)
Sib: lintek.
-----------------------------------------------------------------------------------
isang college boy na may sukbit na messenger bag at naka all-black:
Sib:(emo-fag to..hmm) pare, favorite color mo ang black ano?
emo college boy:(hesitant.. mukhang iiyak pa.. nakayuko lang)
Sib: pare, hindi ako nangangain(natawa pa ako), ok lang kung ayaw mong sagutin. pasensha ka na. napansin ko lng kc kulay itim ang tshirt mo, pati ata pantalon eh.
emo college boy: black.
Sib: Yeah black. obviously favorite color mo yan.
emo college boy: listen, black is never supposed to be a color. that's the mistake of everybody. black has never been a color and never will. you wanna know why? Because black is the result of any color forbearance.(sabay sibat)
Sib:(natameme saglit) lintek na bata to... FAG!!!!
-----------------------------------------------------------------------------------
elementary student na nag aaral sa isang private school:
Sib: kid, sino inaantay mo dian?
elementary student:(snob)
Sib: psst Kid, anong oras na ah, wala pa ba sundo mo?
elementary student: (umiling)
Sib: mukhang ikaw nalang ata ang nag iisa dito sa labas ng gate ng school nio? wala ka bang cellphone dian? tawagan mo o kaya itext mo nanay o tatay mo.
elementary student: ok lang po ako.
Sib: halika na, san ka ba umuuwi ihahatid nalang kita sa may sakayan. mukhang wala yung sundo mo eh.
elementary student: ang sabi ko po, ok lang po ako. ako po ang may susunduin dian sa loob. hindi po ako ang susunduin. (sabay lingon sa likod) Bunsoy! antagal mo naman, tara na maglalaro pa tayo ng PS2 eh! lika na.
kapatid nung elementary student: Ate, antagal kc ni tutor eh. kanina ka pa dian? tara na.
-----------------------------------------------------------------------------------
first day of class, introduce yourselves:
student: hello good morning fellow blockmates and to you maam. i am Maria Barbara Flordeluna. you can call me Barbie, because that is what my mom told me. I graduated from the beautiful city of this place. and I am turning 20 the next coming year. that's all maam thank you po. (sabay upo)
Sib:(katabi ko si barbie noon, bumulong ako) talaga 20 ka na next year? eh di five years from now 25 ka na?!
student: duh?!
(she's a classmate of mine before, by the way i changed her real name here but her real nick name is "Barbie" at, nga pala bago ko makalimutan, she's studying Law as of the moment.) hantaray ng lola mo! abogada, kaloka. ; ) hahahaha! ay.
-----------------------------------------------------------------------------------
-ilan sa mga nakatuwaang gawin at kausapin.
hindi naman alintana na ako ang nasupalpal sa lahat ng mga nilalang na nakausap ko ano? mga lintek.
-pasensya na sibuyas lang.
hahahahahahahaha x)
Sib
~~Mausisang Sibuyas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Paborito ko ang sibuyas.Alam mo bang ayaw ng mga aswang ng sibuyas?
Makakain nila ang bawang ngunit hindi ang sibuyas.
@anino: talaga? alam mo bang paborito ko ring kaibigan ang anino? kahit san ka magpunta nasa tabi ka niya. ang masama nga lng sa anino ay sa liwanag ka lamang niya maaaring samahan. ngunit pagsapit ng dilim, siya'y nde mo makakapiling.
pero ok lang. kadalasan nmn kc pag madilim na eh nasa loob lang ako ng bahay. nanonood ng dyesebel at ng daaaaa singing beeeeee. hahahahaha.
salamat sa komento anino. bale ang bottomline ng sinabe mo ay:
lahat ng may ayaw saken ay aswang!
mga aswaaaaaang silaaaaaaa! :D
...And I am turning 20 the next coming year. that's all maam thank you po. (sabay upo)
Sib:(katabi ko si barbie noon, bumulong ako) talaga 20 ka na next year? eh di five years from now 25 ka na?!
Me: 24 pa lng xa.. kasi 5 years from now(19 yrs pa lng xa dba?) hehehe Peace!
oo nga ano? kaya pala nag-"duh" si barbie? susginoo! simpleng aritmitik,hindi ko magawa.
salamat sayo anonymous. sa susunod bawasan mo ng konte ang pagkamahiwaga mo, mgpakilala ka din. :D
naniniwala ka ba sa kasabihang "curiosity kills the cat"?
honga pala, isa kang sibuyas... kaya hinding-hindi ka maki-kill...
in fairview, hindi ako aswang dahil naaaliw ako sayo...
mula ngayon, ikaw na ang paborito kong Allium sepa!
@urbanguru: waaaaaawww allium sepa!
ay, naaliw na rin ako sayo.
pinakagusto ko sa lahat ng sibuyas ang puti. natumbok mo ako.
galing. :)
Post a Comment