6/23/08

WALA AKONG MAKITANG ARTISTA SA SIMBAHAN






O,tama na muna ang pagpapakyut. Alam ko matagal na kong pakyut kaya itigil muna naten, nakaka-aning na eh.
Kelangan kong mangumpisal.
Kelangan kong pumunta sa tsarts(simbahan) para tumingin ng good-looking nilalangs- este para magdasal ng mataimtim sa Siyang Lumikha.

At kanina nga, pumunta ako sa simbahan ng Manaoag upang, syempre bumisita. Natuwa naman ako sapagkat, hindi pa rin nagmamaliw ang dami ng taong gumagawi, nagdarasal, nagpapasalamat at bumibisita sa Birheng Maria.
Pag Linggo, asahan mo nang siksikan ang mga tao rito.

Pag sinabi kong siksikan, mas grabe pa sa pista ng poong nazareno ang kapal ng taong dumarayo dito. (syempre, medyo eksajereyted na ako ng konti.)
Sabi nila sikat daw ito. pinupuntahan ng mga artista. Bumibiyahe ng mahigit 6 na oras para lamang makabisita,makadasal at makaluhod sa pinagluluhurang kahoy na may foam sa likod ng mga upuan. May mga simbahan naman sila sa Maynila? Sangkatutak. Ewan ko ba kung bakit kelangan pa nilang magpakahayo at mgpakapagod para lang dito magdasal at magpasalamat.

Naiintindihan ko naman ang sentimyento nila.
At wala nga naman akong paki kahit pa sa Tawi-Tawi sila magsimba, tapos balikan lang. Wala akong magagawa kung iyon ang trip nila.
Kaso, kahit naman saang Simbahan ka magtungo ay pakikinggan at pakikinggan pa rin ng Maykapal ang iyong mga hinaing at dasal.

Walang duda yun.

Bweno ang talagang ipinagsisintir ko dito eh kung bakit sa dinami-dami ng artistang napapabalitang pumupunta palagi sa simbahan ng Manaoag, eh bakit iisa pa lang ang nakita ko!

baaaaaaakeeeet?!

gusto mong malaman kung sino yun?

di nga?

baket kelangan mo pang malaman? uuuy, kyurius siya.

O, teka muna. Balik tayo dun sa kwento ko. Pag pers taym mong pumunta dun, Parking speys agad ang hanapin mo ha.

Ganito, kung may sasakyan ka, pipili ka ng pagpaparadahan mo. kung medyo sinuwerte swerte ka, makakakuha ka ng espasyo sa NAPAKALUWANG na parking speys sa likod ng simbahan.(ayan nasa piktyur, silipin mo.) at pag sinabi kong napakaluwang- sigurado akong maluwang talaga. At kung anong ikinaluwang ng parking speys, ay siya ring kapuno nito PALAGI. mahirap makakuha ng espasyo lalo na kung papatay-patay kang dumating doon at magsimba.

Ngayon dahil wala ka nang pwedeng pagparkingan, dahil nga okupado na lahat, dun ka sa harap ng simbahan. kung saan, lahat ng pwede mong pagparkingan ay, may bayad. mwahahahaha! buti nga sayo.

minsan beinte, minsan kwarenta ang bayad. Pwedeng mas mahal pa, depende kung gaano kabalasubas ang taong magbabantay sa sasakyan mo.


Ngayon syempre nakapagparking ka na, ay teka- paano yung mga walang sasakyan? pwes, ganun din, sabihin mo dun sa sinakyan mong jip o traysikel na, "manong sa simbahan tayo" at otomatik yan. bibo ang mga traysikel draybers dun. alam nila agad yun.

Pagpasok mo naman, ganun pa rin ang atmosphere.
Tipikal na hindi nagpapansinan ang mga tao. walang ngitian sa isa't isa. ni sulyap wala. Dadaan-daanan ka lang. Mga estranghero ang drama. Kadalasan pa nga ang makikita mo lang na nagtititigan rito eh yung mga tinedyer na lalake at babae. Pakyut sa isa't isa. Yung mga nakatatanda naman, deadma eber.

Saka lang makakaalalang hindi lang sila ang may kailangan sa Maykapal kaya sila naroroon ay kung "peace be with you" sign na.

ayan, lilingon sa katabi, sa harap, sa likod.. Ngingiti.. pabulong na sasabihin "pis bi wid yu" tapos balik ule ang tingin sa katabi at sa harapan.

Napakasaya naman.

Sa susunod sana pag magsisimba ka, ikaw na ang mag umpisang ngumiti sa iyong katabi.

Sa lahat ng makakasalubong mo sa loob ng Simbahan niyo, ngitian mo. Ngiti lang ng ngiti. Walang mawawala sayo. ipauso mo sa Simbahan yun ha? para naman, maging ehemplo ka at pamarisan ng lahat ng Katoliko. (lagi kong ginagawa yun kaso wa-epek. baka kung ikaw ang gumawa eh epektib diba.)

Pareho naman kayo ng pinaniniwalaan, pinagkakatiwalaan at pinapahalagahang relihiyon.
Oo alam kong pumunta ka dun para sa Maykapal at hindi para sa mga kapwa mo na andun din. Ngunit sana naman, bigyan mo din ng importansya ang pagsisikap ng Maykapal na pagtipon-tipunin tayong mga anak niya sa kanyang tahanan. Tuwing Linggo ka na nga lang pumupunta sa tahanan Niya hindi ba? minsan pa nga minsan isang buwan lang eh. Kaya, sana naman bigyang halaga ang mga nilikha at Siyang Lumikha.
Oi, wag ka lang mgpaka-uber sa pagngiti ngiti dun ha. baka mapagkamalan kang eng-eng nyan sige ka.


*huminga ng malalim*
ayun, aktwali gusto ko lang talagng ipakita yung piktyurs ng Manaoag shrine na kinuhanan ko. remembrance ba. (nyahahahahaha. ay.. sorry sa pagtawa. Hindi ko sadya.) Sana maisip mo itong napakababaw na sentimyento ko pag dadalaw kang muli sa simbahan sa darating na Linggo.



Sib
~~Mahabaging Sibuyas

8 comments:

DebbieDana said...

Hey! Thanks for the photos here..I am so happy to see the recent photos of the Shrine of Our Lady of Manaoag. Are you from Pangasinan too? I was born and raised in Manaoag, but I am here now in the states. I miss my "home"!!!

Mahiwagang Sibuyas said...

Hi dana&debbie.. err, sino ka si dana o debbie? feeling ko ikaw si debbie? haha :)

Talaga? eh di antam su mampanggalatok manaya? :)
My dad's from Pangasinan.

Salamat at kahit papaano'y naaprisi-eyt mo ang mga litrato.

salamat sa komento.
mabuhay ka! ;)

Anonymous said...

bibong bibo ka ata
kumareng SIB ah

buti n lamang at me simbahan naman
kami dito kahit hindi dinadayo ng artista eh marami pa rin namang tao.. yung nga laang isa ako sa mga taong di dumadayo.. ahihihih...

(pero kahit papaanu nmay ngdadasal din ako ng sarilinan)

pagbalik mo.. pakipagdasal mo ako...at pgbalik mo bisekleta n dalhin mo at ng di ka mahirapan humanap ng mapaparkehan

Mahiwagang Sibuyas said...

@rej: marame kc akong stock ng Bibo hotdog sa reprejereytor. gusto mo din? :D

wag kang mag alala padrino, ipagdarasal kita. ipagdarasal kong sana dalasan mo ang pagdayo dian sa simbahan niyo. ahaha ;)

shyet baysikel? amfutek katakot. hahai. :)

TENTAY™ said...

sib sorry kng feeling close ako pero Apir Apir APir!!

grabe ang galing talgaa. nakakatulig na ba ko? sorry pero ang galing tlg hahahahah.. patawa un pagsulat mo pero grabe ang daming laman.

pa apir ulit!!!

naaalala ko pa dati every 1st sat anjan kami. kapagod, pero wala ko nakita artista!

teka ang daya mo sino yung artista nakita mo????

Mahiwagang Sibuyas said...

@tentay: talaga pumupunta din kau sa simbahan ng manaoag? nakakatuwa namang marinig yan.

salamat ng marame sayo. :D

ung artista na nakita ko? nde na cya masyadong visible sa telebisyon at mga pelikula ngayon eh. ahehe.. ;)

TENTAY™ said...

uu every first sat of the month. from grade 5 ako till first year college. kaso natigil, kasi mom ko nagkasakit, d n nya kaya long travels. hay. wala lang. nalunkot ako.

dumisapir na pala ang artistang yon. siguru dinadasal nya bumalik sya sa liwanag. hehehe.

apir!

Mahiwagang Sibuyas said...

@tentay: waaaw palagi pla kau dun. pagpalain ka nawa. :)

dun sa artistang tinutukoi ko..uu, naging boypren nia ang isang machong inglisero na may kapatid na jowa ngayon ng isang singer actress na may anak sa isang dating drummer ng bandang sikat na sikat nuon na nadisband na ngayon.

-da who ba ito?!