7/21/08

LabLayp (da vestigial edition)


There are discriminative eventualities that we cannot surmount and electrostatically get a confinement of.
Kin to that, we cannot thwart anything about such.
We cannot ark faith to suffice the occurrences which she's heaved to do.
Sometimes, you cogitate your aptness, but in reality u still feel the subdued emptiness.
Probably the goad why some sapiens tend to comprehend encumbrances in a hasty and superficial standpoint.
Probably the reason too, why I assert my being, my phantasm and actuality in a rope of network tool called the 'blogosphere'.

And right now, I'm in pure awe of sedulous pomp.
Trying to substantiate my dormant gray matter that has been deprived from it's baguette since God-knows-when.

In short, bansot, kelot, utot, eto nanaman, umaariba nanaman ang aking somatic nervous system.
Binabagyo nanaman ang aking malikot at supot na utak.
sa hindi ko malamang kadahilanan.

tsaka, pwede magtagalog na lang ako? dinudugo na ilong ko. Lintek na intro.

At speaking of intro, eto na nga rin marahil ang dahilan.
Ang rasong nagpapagulong-gulong sa aking magulong buhay..

Ang buhay-pag ibig ko ay parang Philippine Constitution.
Obsolete na. Vestige. Ancient. Thunder. Tundra-Mudra. worldwar era.
Hindi mai-revise revise.
Andameng nagtangkang baguhin at buksan pero hindi nagtagumpay.

Kelan unang binuksan at binago ang ating konstitusyon? Nung 1935 diba.
Ilang taon ka na ba?

O, kelan ang sumunod na taong binuksan, binutingting at pinakialaman
yan? 1973 diba? diba?

Kung noong panahon pa ng kopong kopong mo naranasan ang unang tilamsik ng pag-ibig at hindi na yan nasundan pa...
Patay kang betlog ka!

2008 na ngayon tama ba? o syempre, hindi naman 1973 ang huling
pangengealam sa Philippine Constitution natin. ikaw naman.
Anong akala mo sa Pelepen pipol? tamad?!
Kaw talaga, dagdagan mo naman ng labing-apat na taon.
1987.

O diba? Churvang churvah.
Huling pinakealaman, binago, niratrat ng mga allegedly "concerned"
pipol ang ating konstitusyon noong panahon pa ni Cory Aquino.

Juskoh, Anong petsa na?!

Kung ang huling paglasap mo sa tamis ng pag-ibig ay noong panahon
pa ng panunungkulan ni Cory Aquino, aba eh goodluck naman sayo.

Naipanganak na ko't lahat. Natutong Mangulangot, natutong tumae nang hindi nahuhulog ang fwet sa arinola, natutong sindihan ang kandila sa loob ng bahay ng aming kapitbahay, natutong manghuli ng gagambang-bahay at ibenta sa mga bobong kaklase sa halagang 300 pesos, natutong magsuot ng cycling shorts sa loob ng palda noong grade 4, natutong mang-uto, natutong magpauto,natutong batuhin ng eraser ang nakatalikod na bwitreng titser ko, natutong umutot ng walang tunog, natutong umutot ng walang tunog sa loob ng klasroom, natutong umutot ng walang tunog sa loob ng tahimik na klasroom habang nag-eeksam, natutong umutot ng walang tunog sa tahimik na klasroom habang nag-eeksam at nasa likod ko ang aming titser, natutong magpalusot nung pinaghinalaan ako ng aming titser na ako daw yung umutot, natutong tanggapin na mas mautak saken ang aming titser kasi napaamin niya ko, natutong kamuhian ang bwitreng titser na yun por da rest op my dying days, at natutong tanggapin na ang lahat ng bagay ay pwedeng matutunan kung pagsisikapan lamang na matutunan ito..
Lahat ng iyan ay naransan ko na pero subalit datapwat nguniiiit hindi parin nabubuksan ang konstitusyon mula noong 1987.

Oo nga naman, mahirap nang basta-basta nalang pakialaman yan ule kasi nga naman, baka gamitin lamang ng ilang bwaka ng kepyang pipol por deyr own adbanteyds ang pagrerebisa sa Pelepen Konsti.

Ang pag-ibig at Pelepen konstitusyon ay may posibilidad parin namang baguhin / baguhin lang ng konte / isaayos / isaayos ng konte.

Hindi ba?

Sa ngalan ng ating rigid Constitusyon,
gusto kong ipakilalang muli sayo si ConCon.
Constitutional Convention.
tangenang yan, pangangampanya na to! hahahahahahahahaha


At sa ngalan din ng mapusok at kasula-sulasok na pag-ibig,
gusto ko ding ipakilala sayo ang Torjak.
Putragis torjakan na to! hahahahahahahahaha


hay, wala akong maisip na pwedeng isulat. syet.

(credits to AdrianthePadawan for the image)

34 comments:

Anonymous said...

malaman ko lang na matalino ako dahil sa pagkokomento dito sa blog mo eh solb na ako.

kaya heto, nablanko tuloy ako.

nawala lahat ng sasabihin ko. dapat pala hindi ko muna binasa ang trivia mo dito sa comment box mo.

Anonymous said...

@kingdaddyrich: waaaaah nablanko din ako sa komento mo.

nawala din lahat ng sasabihin ko, dapat pla nde ko din muna binasa meseyds mo.

apir!*

UtakMunggo said...

sumakit ang headache ko, onions. kasi naman wag mong binibigla ang mga bobong tulad ko ng mga nosebloods na ingles eh. nabugbog tuloy ang alma matter este gray matter ko.

alam mo, you know what, sabog pa ako galing duty. ahha pero swear sinubukan ko talagang intindihin ang analogy ng constitution at pagibig.

matutulog muna ako. baka bukas tubuan ako ng brain cells at makuha ko wavelength mo dito.

gillboard said...

ayos tong post mo, pwedeng pang lab, pwedeng pampolitika... lolz

Anonymous said...

@utakmunggo: ako din. *kamot-ulo* teka,ano yung wavelength?! hahahahahaha ;)

shyet, tgnan mo dugo-ilong, bula-bibig din ako. siguro pagkaen yang wavelength?! parang katunog ng tsokolate sa inglatera eh.

Anonymous said...

@gillboard: uy salamat. pwede din kayang pangsports ito? ;) apir!

. said...

Sibuyas..

kaasar yung intro mo,
namuo yung dugo sa ilong ko.

muntik ko ng di ituloy yung pagbabasa.. buti na lang nagtagalog ka din.

hanube!

palakpakan..

Jhamy whoops! said...

o my gulay kamusta naman ang entry na to.. nose bleed to nth level.. nag uumpisa palang ako.. buo buong dugo na ang lumalabas sa ilong ko.. paking shet naman o!!!hahahah!!

pero ang gusto ko sa post na to.. hindi lang pampagibig! pampolitika pa! ayus!!

*hawak ilong habang nagtatype ng komento*

TENTAY™ said...

teka bakit ganon, kahapon ko pa to nabasa ah...

bakit bakit ang alam ko talaga nag comment ako... bakit gnon. siguro nagbuo din dugo sa utak ko o nagiilusyon na ko dhil di kinya ng utak ko un intro mo, sumabog brain ko...

kaloka naman yan eh no, ikumpra naten love sa constitusyon. teka ayoko ng politix. naku wag mo ko itataboy sib... >.< sadya lang na sa klase ko philgoco milyon beses ako pinalabas ng prof ko sa kaldaldalan ko. hahahahah!

Sanchoism said...

mukhang may hangover kpa yta sa debate competition nyo e.yan nanamn mga tira mo.wla kpa rn tlgang kupas sibuyas! hahah bkt nka white ka kahapon??all black girl ka e. :)

Mico Lauron said...

ate, sa totoo lang, aaminin ko, wala akong naintindihan sa post na to. hahahaha! tumulo kase ang dugo galing sa mata ko eh. di kinaya ng utak ko kaya ayon tuloy. buti na lang at nakakapag type pa din ako. kaya eto comment muna.. hehehe!

nautak munggo na din ata ako.. wahaha!

nga pala, added you as link ha..

chak! (dighay) hahaha!

JedMeister said...

lurv the intro!

in fairness na-nosebleed ako... kelangan kong sumugod agad sa pinakamalapit na dictionary...

tama ka nga naman, dapat ng palitan ang constitution... pero wag muna ngaun, anjan p kc ung unano sa puwesto... bka gmitin n nmn nya por her own adbanteyds...

gaga! hindi ako nawala sa blogospherya noh! nabusy lng kc ako sa aming mga major subjects... alam mo na, iskolar... dpt ismart ang dating kuno at wlang bgsak na grado... amf! sna nag-callboy nlng ako... hehehehe!

Anonymous said...

Aba sino ba naman di gaganahang magkoment nyan sa modus operandi mo? hehehe... well, dahil matalino din ako (baka uto-uto?) magkokoment na rin ako... nyahaha!

Oist, kahit kung saan-saan pako dinala ng latest post mo about philcon (i hate politix!) alam ko pa rin ang pakay ko d2. yun eh magpasalamat sa pagdaan mo sa iskul(link) ko. Actually matagal na sana ako nagkoment dito kaso access denied sa office pag inoopen ko yung comment box! bwiset tlg. Anyhoo..gusto mo bang mag-enrol sa deyker?
(punyemas naman tong word verification mo! hindi ko maintindihan!! shete pinahirapan mo pako sib! langya...)

JedMeister said...

yah i totally know how u feel... ganyan b tlaga ang mga pol sci students? sobrang "great pretenders"?? eh ksi nmn, ang ini-inculcate ng mga prof. sa amin is "pol sci students shud pretend you know sumthing even if u don't know anything bcoz that's what we are"... HUWAAT?! nakakaloko tlga!

Mahiwagang Sibuyas said...

@enday: ako nga din eh naasar sa intro ko. tara, sabay na tayong pumunta ng banyo at doon hugasan ang duguang mukha naten. hahahaha ;)


@jhamywhoops: hahaha pag-eveg + foleteka = hamfutek, nde ko lam *kamot-ulo* nosebleed naren ako.
kelan inumaaaaaan?! woohoooo shot shot shot! :D

Mahiwagang Sibuyas said...

@tentay: nyaahh onga pla ayaw mo ng politics. *kamot-ulo* hahaha, oki lang yan tents, pareho tayo, suki ako sa labas ng mga klasrooms. at tama ka, napapariwara lang tlga ako sa loob ng paaralan eh. amf. ;)


@sanchoism: adik ka! ewan ko sayo hahaha. hangover?? anu yun?? pagkaen??! :D
waah, kasi naka white ka din nun eh. nye? ewan baka multo ung nakita ko nun.

Nyanya said...

nosebleed!, aus sa comparison. Nga pla, dahil nabasa ko ang blog mo, at interesante sha para sa akin, ili-link ko sha!, hehe!, aun hingi lng din ako ng permiso!, hehe! magandang araw!

Mahiwagang Sibuyas said...

@mico lauron: uy salamat sa pag add mo dito sa aking walang kakwenta-kwentang sitio.

wag kang mag alala, ako din. teka anu ba yung nosebleed? parang gasoline station lang ah? kunware nlng naintindihan ko din yung intro ko. hahahahahahaha ;)


@themiseducationofzapped: juskoh... tulungan nio po ako.. eto na, internal at external hemoreyds na ang inabot ko sa sobrang haba ng pangalan mo.. nawiwindang ako.. parang yung 'the' at 'of' lang naintindihan ko. hahaha oo tumatanggap pa ba ang deyker ng late enrollees?

Mahiwagang Sibuyas said...

@jedmeister: tara na't pagplanuhan na naten ang neks mub para sa pagrerebisa ng Konsti hahahaha :D

huwaaaw gustong-gusto ko tlga ang mga iskolar ng bayan! haha, kala ko nawala ka loka. namiss naman daw tuloi kita.

-hahahaha tangena yun sabe ni prof patungkol sa polsci students? shyet hanlupet ni prof hahahaha tangena. eh bute sana kung polsci students ung iba dun, education students eh. amf. kalokah!

Mahiwagang Sibuyas said...

@nyanya: haha uy salamat nyanya. natuwa naman ako sa neym ng iyong blog. 'chronicles of nyanya'
tangena, nosebleed din ito. hahaha apir!*

gillboard said...

actually, mas natakot ako sa litrato mo... hehehe

paumanhin kung kilala mo kung sino man yung ale na ginawa mong profile pic ;)

peace tayo! :D

Mahiwagang Sibuyas said...

@gillboard: hahahahahaha natawa ako shyet.

kuwan, ako tlga yan. :D
(sabay-tingin sa itaas.. lord, honesty is my second priority.)
hahahaha ;)

(cge na nga,aktwali kuha yan ng isa sa mga hinahangaan kong litratista. an old woman from Batanes. She's a lovely old lady though.) :D

Payperbiz said...

alam kong serious topic dapat ang Phil. Constitution pero naiba ang pananaw ko bigla dito dahil sa entry na it hahaha!:)

Mahiwagang Sibuyas said...

@sonnet's: whoa.. anong pananaw iyon?! siguro sa susunod dapat ko naren ikumpara ang executive proclamation sa mga hula ni madam auring.. mukhang mas interesante iyon. haha.
uy, salamat sa komento. ;)

Mar C. said...

hahaha... nosebleed ako sa english mo day.hehe. actually sabi sa akin, dalawa lang namn talaga yong konstitusyon natin,yong malolos at yong 1935, yong iba revised lang at amended. na kesyo daw binago, mga ganyan ganyan pero ang nilalaman eh yun pa rin. nabago lang ng pangalan.

FerBert said...

sumakit ulo ko..
iinom lang muna ako ng biogesic..

saka na ako magkokomento pag naarok ko na lahat ng sinulat mo..

ayan naduduling na ko..
kelangan ko ng mahospital!

TENTAY™ said...

huhu kelangan ko na rin i-revise utak ko sib... =(

Mahiwagang Sibuyas said...

@pensucks: tama ka. yung malolos consti at 1935. at amended na yung mga sumunod. kaya gusto ko tlgang ipagduldulan ang concon at iba pang paraan ng pag aamenda sa ating konsti para naman nde na obsolete ang nilalaman nito.kung aanalisahin nateng mabute, mrme ang patungkol at mas adbanteyds para sa mga doktor at abogado ang nilalaman nian. pero, i've nothin against them. Saludo ako sakanila. bsta mahabang paliwanagan ito hahaha nosebleed naren ako.
apir apir bawang!*

Mahiwagang Sibuyas said...

@ferbert: waaaah ospital.. teka fb, eto marame akong supply ng biogesic dito. madalas din kasing sumaket ulo ko. tsaka madali din kasi akong ma-nosebleed.
-uy ampogi nung nasa piktyur mo. taong-tao ang dating. :D

Mahiwagang Sibuyas said...

@tentay: nakow tentay... oo nga mukha kasing seryoso tlga pinagdadaanan ng utak at hart mo ngayon.
Nde mo pa ba siya kayang i-revise?
kelangan mong mag-unwind(waaaw unwind ingles yun dba?hahaha)
tutal weekend naman na, try to go somewhere na makakapagrelax ka. malayo sa lahat. (moment mo yun gerl)
sa beach, magandang mag isip sa kahabaan ng dalampasigan habang naririnig mo ang daluyong ng mumunting alon..
Pag isipan mong mabuti ang mga bagay na nangyare sayo 24-48hours ago. at tgnan mo kung may dapat na bang baguhin para nde mo na ipagpatuloy na gawin ito sa mga susunod pang oras.. Maganda kang nilalang at nde mo kelangan ng isang taong nde ka pinahahalagahan. sabe ko nmn sayo, kme nlng na mga prens mo ang gawin mong jowa.. panigurado, walang break ups yun. ;)
( hala, nobela ito day? hahaha apir! haymisyu. tsir up, pati ata si kafated na mel uber apekted. yiheeeeee kilig factor :D )

Anonymous said...

erm, matalino rin ako kayat pilit kong magcomment kahit na boljak ako nitong post mo... hindi lang nosebleed inabot ko muntik ng bumulwak utak ko, waaaaa

Mahiwagang Sibuyas said...

@kengkay: hahaha ang mga nanay tlga ano? lagi tayong pinasasaya.
buti ka pa muntik lang, mas matibay ka. ako, bumulwak na nga, lumabas pa yung luga sa tenga. amf. ;)

Hadassah said...

naku po! Epistaxis na ito!

tulog muna ako. baka maintindihan ko na ito bukas.

:D

Mahiwagang Sibuyas said...

@buzzing flowerpecker: eto ang pinakapaborito kong uri ng ibon hahaha ;)

epistaksis shyet, anterior o posterior na? hahaha my gally gas beng beng, duguan portion ito.