7/4/08

NyosBrik!

(hedlayn bukas ngayon ang sulat)

Langya, narinig ko kanina pati 'Umbrella' may tagalog bersyon narin?!!
hahahahahaha tangena anlabo. nung una, ung 'Low' tinagalog, putek ansagwa.
Ngayon, Pati Umbrella ni Rihanna.
narinig mo na ba? o kumusta naman? nagustuhan mo ba?!
Marami kang makikita sa youtube na tagalog renditions niya pero namumukod tangi ung narinig ko sa Radyo kanina. Kaboses pa ni Rihanna. maderpakengbets.

"Di ka na mababasa ng ulan.. Di na.. Di na.. Di na.. yeah, yeah..
mababasa ng ulan.. Di na.. Di na.. Di na.. Yeah yeah..."

hahahahahahahaha! ;)

Ayun.. wala naalala ko lang.

(o teka pahabol ulat pa pala, eh yung umbrella version ng Linkin Park? narinig mo narin ba? hahahahaha! nakakapraning na ba? andami nang lintek na bersyon ang kantang yan. Mabuhay ka Rihanna!)

Nag-uulat,
Mahiwagang Sibuyas

35 comments:

Eliot said...

haha, ROFL! You broke my boredom at the office. ^^; APir nga tayo jan!~

nga pala, okei lang exlinks? eto blaghues ko:


Everything Kimchi


Travelin' Fashion

The Dork One said...

seryoso????

di nga, di nga, di nga, di di di

(tune of umbrella)

Mel said...

tamblingan epek din ako nyan nung narinig ko yan habang kumakain ng noodles sa ministop...

tangena suicide na to!

Mar C. said...

hehe... astig no?

Mahiwagang Sibuyas said...

@elliot: nakakaloka kasi diba? lahat na ata ng sikat na foreign songs ngayon eh tinagalog na. juskoh!

-tara't mag apiran tayo! apir!*

-sure, natuwa naman ako sayo. baka bigla kang bumunghalit ng tawa dian sa opis nio kanina, napagkamalan ka pang may sayad. ;) exlinx ryt away.

Mahiwagang Sibuyas said...

@leviuqse: Oo, seryoso. :D

oo, oo, oo, yeah.. yeah.. oo. oo.

(tune din ng umbrella)

Mahiwagang Sibuyas said...

@mel: maderpaks narinig mo naren meloi? anlabo no? tambling tayo ng bonggang bongga.

suicidal song ito! hahahahahaha

Mahiwagang Sibuyas said...

@pensucks: o sige na nga, medyo mas matino naman siya kesa sa tagalog bersyon ng 'Low' hahahahaha

apir!* (pero nde, medyo malabo parin eh.)

arnie said...

huwaaaaaaaaaT!:O
ano ba yan...kadiri naman ang ginawa nila sa kanta.:(
nawa'y hindi marinig ng tenga ko ang kantang iyan. haha!

ALiNe said...

Mwhehehe! Ang lupit

Anonymous said...

haha..narinig ko na yan..

at lagi kong naririnig sa radyo, lalo na pag asa bus ako!

di ko mapigilang tumawa..pero infairness..magaling ang boses nung nanggaya ah?..

Mahiwagang Sibuyas said...

@arnie: beleb it or nat, tlgng tinagalog yung kanta. kung anong lapat nia sa ingles, ganun na ganun ang pagkakalapat sa tagalog. word per word. hahahahahaha kalokah.
chuvaness de la chenelyn barbar!

Mahiwagang Sibuyas said...

@aline: lupet to da hayest lebel! ;)


@enday: o tignan mo pati ikaw natawa sa kanta. nakakaaning diba?
yeys, in fairview, overview, topview, middleview, kalyu, banyu- eh medyo may hawig nga sa boses ni Rihanna. ;)

gillboard said...

hahaha... narinig ko din yan kahapon!!!

medyo nakakapagpanting ng tenga, pero la tayo magagawa. Kumikita sa masa eh-eh-eh!!!

Mahiwagang Sibuyas said...

@gillboard: sabagay, antarget nga naman nila eh ang masa. teka, makamasa naman tayo ah? hahahahahaha shyet. :D

-apir!*

Anonymous said...

Hindi ako natutuwa sa kantang yun... Nakakainis lang kapag naririnig...

b3ll3 said...

lam nyo ba kung sino kumanta nun?

walang iba kundi si KC, yah, un anak ng magaling na singer na si mega...

ay naku super kaewan, sorry for the term but parang tanga! ano ba? wala na bang maisip ang mga pilipino ngayon at tinatagalog na nila lahat, mapakanta at telenovela!

ewan, asar ako, halata ba?para kasing ewan...

ps...may kanta pa sya eh, sa album nya kc un, "impossible" ang title, uy tagalog din nyan, and un tunog eh parang foreign din na kantang tinagalog ulit but same with umbrella eh mukha pa rin ewan....

Leoj said...

meron nga akong nareceive sa text na tagalog version. tinagalog talaga yung umbrella as in yung "ella, ella, ella" ginawang "payong, payong, yong, yong.." hahaha. asar diba?

anyway, napasaya ako ng entry mo na 'to. nalulungkot kasi ko sa exam ko kanina, uber hirap. hahaha wala lang. gusto ko lang ishare. :)

TENTAY™ said...

Lupit pati si Mandy Moore ata meron din ng Umbrela o aning lang ako non narinig ko sa CP ng fren ko.

Kung tatambling si Mel, tatambling din ako. hahahahahha.

:) namiss ko to blog mo!!!

SheinKoi said...

nyahahaha... di lang tagalog kit... meron pang bisaya version nyan... :) search mo lang sa youtube... hihi...

Oliboy's Adventures said...

ang panget nga nyan! gone are the days of the true pinoy opm writers... nauubos na sila. puro gaya gaya or version na lang! sad actually... :(

Mahiwagang Sibuyas said...

@andrewpelago: nde ka nag iisa dian sa sentimyento mo. karamay mo ako. hahaha ;)

Mahiwagang Sibuyas said...

@bunso: homaypakengsyet, si kc?! ang super kras kong si kese?! ang kumanta netong walang kakwenta kwentang tagalog bersyon ng umbrella?!

katapusan na ata ng mundo.
I'm doomed.

Mahiwagang Sibuyas said...

@leoj: payong.. payong.. yong.. yong.. mas malala pa ata yang narisib mo thru text na bersyon ng kantang to.

-uy salamat, ok lang yan. :) kayang kaya mo ung test. sigurado akong naipasa mo un. uber apir!*

Mahiwagang Sibuyas said...

@tentay: haymisyu too ganda ;)

nyay, tamblingan to da uber lebel na ito. hahaha yebah!*

Mahiwagang Sibuyas said...

@tengkoy: heya shein. :) napadaan ka dito sa aking blogosperyo. ako'y natuwa naman sa pagdalaw mo.

at ano?! pati bisaya bersyon meron na din?! Lintek.

Mahiwagang Sibuyas said...

@oliboy: "ang panget nga nyan! gone are the days of the true pinoy opm writers... nauubos na sila. puro gaya gaya or version na lang! sad actually..."

-tama ka. nakakalungkot tlga. namimiss ko tuloy sila basil valdez at levi selerio. amf.

Leoj said...

hahaaaai...sana nga naipasa ko yun. :)
i'm curious, san ka nag-aaral?

Mahiwagang Sibuyas said...

@leoj: ang mahiwaga mananatiling mahiwaga. (unless piniga!) ;)

maitanong ko din po sir, bakit ka curious na malaman? :)

b3ll3 said...

guho b ang mundo u?

wahahhaa...sobra kong natawa sa reaction mo...

hayaan u n lng..isipin u n lng na kakambal nya un..na iba un crush u...

wahahaha...pasaway...

Mahiwagang Sibuyas said...

@bunso: shyet, sana nga may kambal na lang si kese. susme. bonggang tambling ito! amf.

pogingpayatot said...

"ang panget nga nyan! gone are the days of the true pinoy opm writers... nauubos na sila. puro gaya gaya or version na lang! sad actually..."

-tumpak! kaya nga sumikat ang mymp e.

actually, patok yung kanta. kahit siguro hindi si rihanna yung kumanta, sisikat pa rin. nga pala. di ko rin mapigilang gumawa ng sariling bersyon ko nito.

mabuhay ang mga walang creativity/originality minus choreography (for a total of 100%)!!!

Mico Lauron said...

hahahaha! salamat at napatawa mo ako... hahahaha! yeap, just heard it too.. a few minutes ago. kainis! wahahaha!

Mahiwagang Sibuyas said...

@pogingpayatot: haha dibale bilib parin ako sayong kumanta. galing galing. apir!*

Mahiwagang Sibuyas said...

@mico lauron: salamat. oo nga sana naging clown na lang ako. haha apir! salamat sa pagbisita ha. :)